Paul ennen Agrippaa
| Secondary Keywords | Agripa kasaysayan paglalakbay pahimakas Paul Roma Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 261 Ngunit sinabi ni Agripa kay Pablo, “Ikaw ay pinapahintulutang magsalita para sa iyong sarili.” Kaya nang iniunat ni Pablo ng kaniyang kamay, ipinagtanggol niya ang kaniyang sarili. 2 “Haring Agripa, patungkol sa lahat ng mga bagay na isinakdal laban sa akin ng mga Judio, itinuring kong ako ay pinagpala dahil maari kong ipagtanggol ang aking sarili sa harapan mo sa araw na ito, 3 lalung-lalo na, dahil ikaw ay kilalang bihasa sa lahat ng mga kaugalian at gayundin sa mga pagtatalo ng mga Judio. Kaya isinasamo ko sa iyo na maging matiyaga ka sa pakikinig sa akin. 4 “At tunay na ang uri ng aking pamumuhay mula sa pagkabata, mula sa simula ay nangyari sa aking bansa sa Jerusalem, ay alam na ng lahat ng mga Judio. 5 Nalalaman nila noon pa, kung ninanais nilang patunayan, na ako ay namuhay alinsunod sa pinakamahigpit na pangkat ng aming paniniwala, isang Fariseo. 6 At ngayon, ako ay nakatayong hinahatulan dahil sa pag-asa ng pangakong ginawa ng Diyos sa aming mga ninuno 7 na siyang inaasahang makamtan ng aming labindalawang lipi na naglilingkod sa Diyos nang buong sikap gabi at araw. O Haring Agripa, ako ay isinasakdal ng mga Judio patungkol sa pag-asang ito. 8 Bakit iniisip ninyong hindi kapani-paniwala na ang Diyos ay nagbabangon ng mga patay? 9 “Ako rin nga mismo ay nag-iisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazaret, 10 ganoon din ang ginawa ko sa Jerusalem. Kaya ang marami sa mga banal ay ikinulong ko sa bilangguan pagkatapos kong tanggapin ang kapamahalaan mula sa mga punong saserdote, at kapag sila ay ipinapapatay, ibinibigay ko ang aking pagsang-ayon. 11 At sa lahat ng mga sinagoga, habang sila ay madalas kong pinaparusahan, pinipilit ko silang maglapastangan. At dahil sa aking sukdulang galit sa kanila, sila ay pinagmamalupitan ko kahit hanggang sa malayong mga lungsod. 12 “Dahil dito, habang ako naman ay naglalakbay patungong Damasco na may kapamahalaan at pahintulot mula sa mga punong saserdote, 13 sa katanghalian, O Hari, nakita ko sa daan ang isang liwanag na mula sa langit na maningning pa kaysa sa araw, na nagliwanag sa palibot ko at sa kanila na mga kasama kong naglalakbay. 14 At nang kaming lahat ay bumagsak sa lupa, narinig ko ang isang tinig na nakikipag-usap sa akin at nagsasabi sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan? Mahirap sa iyo ang tumadyak sa mga pantusok.’ 15 At sinabi ko, ‘Sino ka, Panginoon?’ At sinabi niya, ‘Ako ay si Jesus na iyong pinagmamalupitan. 16 Ngunit bumangon ka at tumayo ka sa iyong mga paa sapagkat sa layuning ito, ako ay nagpakita sa iyo upang italaga kitang lingkod at saksi ng mga bagay na iyong nakita at ng mga bagay na ipapakita ko sa iyo. 17 At ikaw ay inililigtas ko mula sa mga tao at sa mga Gentil kung kanino kita isinusugo ngayon, 18 upang idilat ang kanilang mga mata at sila ay bumaling mula sa kadiliman patungo sa liwanag, at mula sa kapamahalaan ni Satanas patungo sa Diyos. Ito ay upang sila ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng pamana kasama ang mga pinaging-banal na sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.’ 19 “Dahil dito, O Haring Agripa, ako ay hindi naging masuwayin sa pangitaing mula sa langit, 20 sa halip ay nangangaral ako upang sila ay magsisi at bumaling patungo sa Diyos at gumawa ng mga gawaing nararapat sa pagsisisi, una sa mga taga-Damasco at sa Jerusalem at sa buong lupain ng Judea, gayundin sa mga Gentil. 21 Dahil sa mga bagay na ito, ako ay dinakip sa templo ng mga Judio at kanilang pinagsisikapang patayin. 22 Kaya dahil ako ay tumanggap ng tulong mula sa Diyos, hanggang sa araw na ito ako ay nagpatuloy sa pagpapatotoo, sa mga hindi dakila at sa mga dakila, na walang sinasabing anuman kundi ang mga bagay na nakalaang mangyayari, na sinabi ng mga Propeta at ni Moises, 23 na ang Cristo ay kailangang magdusa, na siya ang unang bumangon mula sa mga patay upang ipahayag ang liwanag sa mga tao at sa mga Gentil.” 24 Ngunit habang ipinagtatanggol niya ng gayon ang kaniyang sarili, si Festo ay nagsabi na may malakas na tinig, “Pablo, ikaw ay nababaliw! Ang labis na karunungan ang nagbaling sa iyo sa kabaliwan.” 25 Subalit sinabi niya, “Hindi ako nababaliw, kagalang-galang na Festo. Ngunit ang isinasalaysay ko ay mga salita ng katotohanan at ng maayos na kaisipan 26 sapagkat nalalaman ng hari ang mga bagay na ito. Kaya nagsasalita ako ng buong tapang sa harapan niya dahil nakakatiyak ako na ang mga bagay na ito ay hindi nalilingid sa kaniya yamang ito ay hindi ginawa sa isang sulok. 27 Haring Agripa, ikaw ba ay naniniwala sa mga Propeta? Alam kong naniniwala ka.” 28 At si Agripa ay sumagot kay Pablo, “Halos nahihikayat mo akong maging Cristiano.” 29 Subalit sinabi ni Pablo, “Ang dalangin ko sa Diyos, sa maikli at sa mahabang panahon, na hindi lamang ikaw kundi ang lahat din ng mga nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko maliban sa mga tanikalang ito.” 30 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, tumindig ang hari at ang gobernador at si Bernice gayundin sila na mga nakaupong kasama nila. 31 At nang sila ay nakalayo, sila ay nag-usap-usap sa isa't isa na sinasabi, “Ang lalaking ito ay walang anumang ginagawa na nararapat sa kamatayan o sa mga tanikala.” 32 Kaya sumagot si Agripa kay Festo, “Mapapalaya na sana ang lalaking ito kung hindi siya dumulog kay Cesar.” |