Paul ketjuissa
| Secondary Keywords | bantay bilanggo nakatali Paul Roman sundalo tanikala |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Philippians 1:12-26 |
Philippians 112 Mga kapatid, ibig kong maunawaan ninyo na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nagdulot ng paglaganap ng ebanghelyo.13 Dahil dito, ang aking mga pagkatanikala kay Cristo ay naging maliwanag sa buong Pretorio at sa lahat ng iba pang mga dako.14 Kaya ang karamihan ng mga kapatid sa Panginoon, na nagkaroon ng tiwala sa aking mga pagkatanikala, ay lalong naging matapang sa pagpapahayag ng salita nang walang takot.15 Totoo ngang ipinapangaral ng ilan ang patungkol kay Cristo dahil sa inggit at paglalaban-laban, ngunit ang iba naman ay dahil sa mabuting kalooban.16 Ang ilan nga ay ipinapahayag si Cristo dahil sa pakikipagtunggali, hindi sa katapatan ng kalooban, sa pag-aakalang ito ay makakadagdag ng paghihirap sa aking mga pagkatanikala.17 Ngunit ang iba ay nagpapahayag mula sa pag-ibig dahil alam nila na ako ay itinalaga para sa pagtatanggol ng ebanghelyo.18 Ano naman ito? Kahit gayon, sa anumang paraan, kahit sa pagkukunwari o sa katotohanan ay ipinapahayag si Cristo, at dahil dito ay nagagalak ako at totoong magagalak.19 Sapagkat alam ko na ang kahihinatnan nito ay ang aking kalayaan sa pamamagitan ng inyong panalangin at sa kaloob ng Espiritu ni Jesu-Cristo20 ayon sa aking mataimtim na pag-asam at pag-asa na sa anumang bagay ay hindi ako mapapahiya. Sa halip, sa buong katapangan kagaya ng dati at kahit sa ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan kahit sa pamamagitan ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan,21 sapagkat para sa akin, ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang.22 Ngunit kung ako ay mabuhay sa laman, ito ay bunga ng aking pagpapagal, gayunpaman, hindi ko nalalaman kung ano ang aking pipiliin,23 sapagkat ako ay napipigilan ng dalawa, ang pagnanais na pumanaw at makasama si Cristo na lalong higit na mabuti,24 ngunit ang manatili sa laman ay higit na kailangan dahil sa inyo.25 At dahil sa katiyakang ito, alam kong ako ay mananatili at magpapatuloy na kasama ninyong lahat para sa inyong pagsulong at kagalakan sa pananampalataya,26 upang ang inyong pagmamalaki ay higit na mag-uumapaw kay Cristo Jesus para sa akin dahil sa muli kong pagdating sa inyo. | |








