Paul pelastaa
| Secondary Keywords | kasaysayan lupa Nakatulong pagkawasak ng bapor paglalakbay pahimakas Paul Roma tuyo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 27 |
Acts 271 At nang napagpasyahan na kami ay maglalayag patungo sa Italia, si Pablo at ang ibang mga bilanggo ay ibinigay nila sa senturion na ang pangalan ay Julio, na nasa batalyon ni Augusto.2 Ngunit nang kami ay sumakay sa barko ng Adrameto na malapit nang maglayag sa mga baybayin ng Asya, nakasama namin sa paglalayag si Aristarco na isang taga-Macedonia na mula sa Tesalonica.3 At sa sumunod na araw, kami ay nakadaong sa Sidon. Pinakitunguhang-mabuti ni Julio si Pablo. Siya ay pinahintulutan niyang makapunta sa kaniyang mga kaibigan at tumanggap ng kalinga.4 At nang kami ay lumisan mula roon, kami ay naglayag na nanganganlong sa Chipre sapagkat pasalungat ang hangin.5 At nang kami ay nakapaglayag patawid sa karagatan sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira na lungsod ng Licia.6 At ang senturion ay nakahanap doon ng barko ng Alexandria na naglalayag patungo sa Italia, at kami ay kaniyang pinasakay roon.7 At maraming araw kaming naglayag nang dahan-dahan at kami ay nahirapang makarating sa tapat ng Cinido. Dahil hindi kami pinapahintulutang makalayo ng hangin, kami ay naglayag na nanganganlong sa Creta sa tapat ng Salmone.8 At sa hirap ng pamamaybay rito, kami ay nakarating sa isang dakong tinatawag na mga Mabuting Daungan kung saan malapit ang lungsod ng Lasea.9 At nang lumipas na ang mahabang panahon at nagiging mapanganib na ang paglalayag, at dahil ang pag-aayuno ay nakalagpas na, sila ay pinayuhan ni Pablo10 na sinasabi sa kanila, “Mga ginoo, nakikita ko na ang paglalayag na ito ay magkakaroon ng kapinsalaan at malaking kapahamakan, hindi lamang sa lulan at sa barko, kundi gayundin sa ating mga buhay.”11 Ngunit ang senturion ay higit na naniwala sa kapitan ng barko at sa may-ari ng barko kaysa sa mga sinasabi ni Pablo.12 At dahil sa hindi mabuting hintuan ang daungan sa taglamig, ang nakararami ay nagpayo upang maglayag din mula roon baka sakaling sa anumang paraan, sila ay makarating sa Fenix upang doon magtaglamig sa daungan ng Creta na nakaharap sa dakong timog-kanluran at hilagang-kanluran.13 Ngunit nang dahan-dahang umihip ang hangin mula sa timog, at sa pag-aakalang maisagawa na nila ang kanilang layunin, sila ay namaybay malapit sa Creta nang naitaas nila ang angkla.14 Ngunit hindi nagtagal, humampas sa kaniya ang malakas na unos na tinatawag na Euroclidon.15 Nang inabutan ang barko at dahil hindi na makasalungat sa hangin, hinayaan namin ito at kami ay naipadpad.16 Nang kami ay nakapagkubli sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda, halos wala na kaming lakas upang isampa ang bangkang-pangkagipitan.17 Nang ito ay naisampa, gumamit sila ng mga lubid upang talian ang ilalim ng barko. At sa takot na baka masadsad sa Sirte, ibinaba nila ang mga layag, sa gayon sila ay naipadpad.18 Ngunit dahil kami ay labis na hinahampas ng malakas na bagyo, kinabukasan, isinagawa nila ang pagtatapon ng lulan mula sa barko.19 At sa ikatlong araw, itinapon namin ang kagamitan ng barko sa pamamagitan ng aming mga kamay.20 Ngunit dahil hindi sumikat ang araw, ni ang mga bituin sa loob ng maraming araw, at dahil sa malakas na bagyo ang dumaan sa amin, ang lahat ng pag-asa na kami ay maliligtas pa ay nawawala na.21 At yamang matagal na silang hindi kumakain, si Pablo ay tumayo sa kanilang kalagitnaan at sinabi, “Mga ginoo, dapat nga kayong nakinig sa akin na hindi naglayag mula sa Creta para danasin pa ang pinsala at kawalang ito.22 Kaya ngayon ay pinapayuhan ko kayo na lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat wala kahit na isang buhay ang mapapahamak sa inyo kundi ang barko lamang,23 sapagkat sa gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang isang anghel ng Diyos na siyang nagmamay-ari sa akin at aking pinaglilingkuran.24 Sinabi niya, ‘Pablo, huwag kang matakot. Kinakailangang humarap ka kay Cesar. Narito, ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang lahat niyaong mga kasama mo sa paglalayag.’25 Kaya mga ginoo, magalak kayo sapagkat sumasampalataya ako sa Diyos na ito ay mangyayari ayon sa paraan kung paano ito sinabi sa akin.26 Subalit kailangang tayo ay maipadpad sa isang pulo.”27 Ngunit nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, habang kami ay ipinapadpad ng hangin paroo't parito sa Adriatico, nang maghahatinggabi na, inakala ng mga mandaragat na papalapit na sila sa isang lupain.28 Kaya kanilang sinukat at nalaman nilang kulang ng kaunti sa dalawampung dipa° ang lalim. Ngunit nang nakalayo sila ng kaunti at muli nilang sinukat, nalaman nilang may labinlimang dipa na ang lalim.29 At dahil sa takot na baka kami ay masadsad sa mabatong lugar, inihulog nila ang apat na angkla mula sa hulihan ng barko at sila ay naghangad na mag-umaga na.30 Ngunit nang ang mga mandaragat ay nagsumikap na tumakas sa barko, at nang naibaba nila sa dagat ang bangkang-pangkagipitan, sa pagkukunwaring malapit na nilang maihulog ang angkla sa unahan,31 sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, “Maliban na ang mga ito ay mananatili sa barko, kayo ay hindi makakaligtas.”32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangkang-pangkagipitan at ito ay kanilang hinayaang mahulog.33 Ngunit nang mag-uumaga na, isinamo ni Pablo na tumanggap ng pagkain ang lahat na sinasabi, “Ikalabing-apat na araw na ngayon ng inyong paghihintay na hindi kumakain at patuloy kayong walang tinatanggap na anuman.34 Dahil dito, isinasamo ko sa inyo na kayo ay tumanggap ng pagkain dahil ito ay para sa inyong sariling kaligtasan sapagkat walang malalaglag kahit isang buhok mula sa ulo ng sinuman sa inyo.”35 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito ay kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa harapan ng lahat. Pagkatapos niya itong pagputol-putulin, siya ay nagsimulang kumain.36 At ang lahat ay nagalak at sila ay kumuha ng pagkain.37 Kaming lahat na nasa barko ay dalawandaan at pitumpu't anim na kaluluwa.38 At nang sila ay nabusog, pinagaan nila ang barko sa pamamagitan ng pagtatapon ng trigo sa dagat.39 At nang mag-umaga na, hindi nila nakikitang lubos ang lupain, ngunit napagmamasdan nila ang isang look na may baybayin. Ito ang kanilang pinag-usapan, kung maaari nilang maidaong ang barko roon.40 Nang naputol nila ang lubid ng mga angkla, iniwan nila ang mga ito sa dagat. Kasabay ng pagkalag nila ng mga taling-pamihit ng mga timon at ng pagtaas ng layag sa hangin, tinungo nila ang baybayin.41 Ngunit nang kami ay dumating sa lugar na pinagsasalubungan ng dalawang dagat, isinadsad nila ang barko. Kaya nga nang tumukod ang unahang bahagi, ito ay nanatiling hindi makilos ngunit ang hulihang bahagi ay nawasak sa pamamagitan ng lakas ng mga alon.42 At ang naging balak ng mga kawal ay patayin ang mga bilanggo baka may makatakas sa pamamagitan ng paglangoy.43 Ngunit sa pagnanais ng senturion na iligtas si Pablo, sila ay kaniyang pinigil sa kanilang balak. At iniutos niya sa mga may kakayanang lumangoy na mauna silang tumalon para makarating sa lupa44 at sa kanila naman na mga naiwan, ang iba ay gumamit ng mga tabla at ang iba naman ay mga bagay na galing sa barko. At nangyari na sa ganitong paraan, silang lahat ay nakaligtas patungo sa lupa. | |








