4 Pagkatapos nga silang isugo ng Banal na Espiritu, sila ay lumusong sa Seleucia, at mula roon ay naglayag sila patungo sa Cyprus.5 At nang sila ay nasa Salamis, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan bilang tagapaglingkod.6 At nang nakadaan na sila sa buong pulo hanggang sa Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero na bulaang propeta at isang Judio na ang pangalan ay Bar-Jesus.7 Siya ay kasama ng gobernador na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino na nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo dahil hinangad niyang mapakinggan ang salita ng Diyos.8 Subalit hinadlangan sila ni Elimas na salamangkero (sapagkat iyon ang kahulugan ng kaniyang pangalan), sa pamamagitan ng pagsisikap na mailihis ang gobernador mula sa pananampalataya.9 Ngunit si Saulo na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Banal na Espiritu at nakatitig sa kaniya,10 ay nagsabi, “O, anak ng diyablo, na puspos ng lahat ng pandaraya at ng lahat ng panlilinlang at kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka ba titigil sa paglihis sa mga daang matuwid ng Panginoon?11 At ngayon, narito, ang kamay ng Panginoon ay laban sa iyo at mabubulag ka. Hindi mo makikita ang araw sa ilang panahon.” Kaagad na bumaba sa kaniya ang ulap at ang kadiliman. At siya ay naglilibot na naghahanap ng aakay sa kaniya.12 Nang magkagayon, nang nakita ng gobernador ang nangyari, siya ay sumampalataya na namamangha sa katuruan ng Panginoon.13 Nang nakapaglayag si Pablo at ang kaniyang mga kasama mula sa Pafos, sila ay umabot sa Perga ng Pamfilia, ngunit iniwan sila ni Juan at siya ay bumalik sa Jerusalem.14 At nang sila ay dumaan sa Perga, dumating sila sa Antioquia ng Pisidia at sa pagpasok nila sa sinagoga sa araw ng Sabat, sila ay umupo.