17 At mula sa Mileto ay nagsugo siya sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa iglesiya.18 At pagkarating nila sa kaniya ay kaniyang sinabi sa kanila, “Nalalaman ninyo simula pa sa unang araw na tumungtong ako sa Asya, kung papaano akong namuhay kasama ninyo sa lahat ng panahon.19 Ako ay naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba at ng maraming luha at ng mga pagsubok na nangyari sa akin sa pamamagitan ng mga pagsasabwatan ng mga Judio,20 kung paanong wala akong ipinagkait na anumang bagay na kapaki-pakinabang sa inyo, kundi upang ipahayag sa inyo at turuan kayo ng hayagan at sa mga bahay-bahay,21 na masikap kong pinatototohanan ang pagsisisi sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo, kapwa sa mga Judio at mga Griyego.22 Ngayon, narito, dahil ako ay bihag na sa espiritu, ako ay patutungo sa Jerusalem na hindi alam ang mga bagay na mangyayari sa akin doon,23 maliban na ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo sa bawat lungsod, na sinasabing ang mga tanikala at mga paghihirap ang naghihintay sa akin.24 Subalit wala akong ipinag-aalala sa salitang ito, ni itinuturing ko ang aking buhay na mahalaga sa aking sarili, upang maganap kong may kagalakan ang aking takbuhin at ang paglilingkod na tinanggap ko sa Panginoong Jesus, ang patotohanan ang ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.