Paul Stoned
| Secondary Keywords | binato Corinto pahimakas Paul Roma titik Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Corinthians 11 Gawa 14 |
2 Corinthians 111 Nais ko sanang pagtiisan ninyo ako ng kaunti sa aking kamangmangan, at kayo nga ay nagtitiis sa akin2 dahil hinahangad ko sa inyo ang maka-Diyos na paghahangad: sapagkat pinagkaisa ko kayo sa isang asawa, upang maiharap ko kayo na isang dalisay na birhen kay Cristo.3 Subalit ako ay natatakot na baka kagaya ni Eva na dinaya ng ahas sa pamamagitan ng katusuhan nito ay mailihis nang gayon ang inyong mga kaisipan mula sa katapatan kay Cristo4 sapagkat kung siya na dumarating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi namin ipinangaral, o kung tinatanggap ninyo ang ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap, siya ay inyo pang pinagtitiyagaang mabuti.5 Sapagkat ibinibilang ko na ako ay hindi huli sa anumang bagay sa kanila na pangunahing mga apostol.6 At kung hindi ako bihasa sa pananalita, hindi ganoon sa kaalaman. Subalit kami ay lubos na naihayag sa inyo sa lahat ng mga bagay.7 Ako ba ay nakagawa ng kasalanan sa pagpapakumbaba ng aking sarili upang kayo ay maitaas dahil ang ebanghelyo ng Diyos ay ipinangaral ko sa inyo nang walang bayad?8 Ninakawan ko ang ibang iglesiya sa pamamagitan ng pagtanggap ko ng kabayaran upang makapaglingkod sa inyo.9 At nang ako ay kasama ninyo at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa kaninuman sapagkat ang pangangailangan ko ay pinunan ng mga kapatid na nanggaling sa Macedonia, at sa lahat ng mga bagay ay pinanatili kong hindi maging pabigat sa inyo at ako ay mananatiling gayon.10 Nananatili ang katotohanan ni Cristo sa akin kaya ang pagmamalaking ito ay hindi makakahadlang sa akin sa mga lalawigan ng Acaya.11 Bakit ko ito ginagawa? Dahil ba sa hindi ko kayo iniibig? Alam ng Diyos na iniibig ko kayo.12 At anuman ang aking ginagawa, iyon din ang aking gagawin upang maputol ang pagkakataon niyaong mga nagnanais ng pagkakataon upang sa kanilang pagmamalaki ay matagpuan din silang katulad namin,13 sapagkat ang gayong mga bulaang apostol ay mga mandarayang manggagawa na nag-aanyong mga apostol ni Cristo.14 At ito ay hindi kataka-taka sapagkat si Satanas mismo ay nag-aanyong anghel ng liwanag.15 Kaya hindi malaking bagay kung ang kaniya ring mga tagapaglingkod ay nag-aanyong mga tagapaglingkod ng katuwiran, na ang wakas ng mga ito ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.16 Muli kong sinasabi na huwag isipin ng sinuman na ako ay isang hangal, ngunit kung magkagayon, ako ay tanggapin ninyo kahit katulad ng isang hangal upang maipagmalaki ko rin ng kaunti ang aking sarili.17 Yaong aking sinasabi, hindi ko sinasabi na nanggaling sa Panginoon, kundi katulad ng kahangalan, nasa ganito ang katiyakan ng pagmamalaki.18 Yamang marami ang nagmamalaki ayon sa laman, ako rin ay magmamalaki19 sapagkat kayong matatalino ay may kasiyahang nagtitiis sa mga hangal.20 Kayo nga ay nagtitiis kung kayo ay inaalipin ng sinuman, kung kayo ay nilalamon ng sinuman, kung may kinukuha sa inyo ang sinuman, kung ipinagmamalaki ng sinuman ang kaniyang sarili at kung kayo ay hinahampas sa mukha ng sinuman.21 Sinasabi ko ito sa aking kahihiyan, na kami ay tila mahihina. Ngunit kapag ang sinuman ay maglalakas ng loob sa anumang bagay, sinasabi ko ito katulad ng isang hangal, lumalakas din ang aking loob.22 Sila ba ay mga Hebreo? Ako ay gayundin. Sila ba ay mga Israelita? Ako ay gayundin. Sila ba ay mga binhi ni Abraham? Ako ay gayundin.23 Sila ba ay mga tagapaglingkod ni Cristo? Ako ay nagsasalita katulad ng isang hangal, ako ay higit sa kanila, sa pagpapagal ay lalong higit, sa paghagupit ay lalong marami, sa pagkakabilanggo ay lalong higit at sa kamatayan ay madalas.24 Sa mga Judio ay tumanggap ako ng apatnapung hagupit ng limang ulit maliban sa isa.25 Ako ay tatlong ulit na pinalo ng pamalong kahoy, ako ay minsang binato, ako ay nakaranas ng tatlong ulit na pagkawasak ng sinasakyang barko, ako ay nagpalipas ng isang gabi at isang araw sa kalaliman.26 Ako ay madalas na nasa paglalakbay, sa mga panganib sa mga ilog, sa mga panganib sa mga tulisan, sa mga panganib mula sa sarili kong lahi, sa mga panganib mula sa mga Gentil, sa mga panganib sa lungsod, sa mga panganib sa ilang, sa mga panganib sa karagatan, sa mga panganib mula sa mga hindi tunay na mga kapatid,27 sa pagkagambala at pagpapakasakit, sa madalas na pagpupuyat, sa pagkagutom at pagkauhaw, sa madalas na pag‑aayuno, sa ginaw at kawalan ng damit.28 Maliban sa mga bagay na nasa labas ay ang aking kabigatan sa buong araw, ang pagmamalasakit sa lahat ng mga iglesiya.29 Sino ang nanghihina at hindi ba ako nanghihina? Sino ang natitisod at hindi ba ako nag-aalab sa galit?30 Kapag kinakailangan kong magmalaki, ipagmamalaki ko ang aking mga kahinaan.31 Ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo na siyang kapuri-puri magpakailanman ang siyang nakaalam na ako ay hindi nagsisinungaling.32 Sa Damasco, ang pinuno na nasa ilalim ng kapangyarihan ni haring Aretas na siyang nagbabantay sa lungsod ng mga taga-Damasco, ay nagnanais na ako ay hulihin,33 ngunit sa isang tiklis ay inihugos ako sa bintana pababa sa kabila ng pader at ako ay nakatakas sa kaniyang mga kamay. Acts 141 At nangyari sa Iconio, na sina Paulo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa sinagoga ng mga Judio at sa gayong paraan ay nagsalita upang ang lubhang napakaraming tao, kapwa sa mga Judio at sa mga Griyego, ay sumampalataya.2 Ngunit ginulo at pinasama ng mga Judiong hindi naniniwala ang mga kaisipan ng mga Gentil laban sa mga kapatid.3 Kaya sila nga ay nanatili roon ng mahabang panahon na buong tapang na nangangaral patungkol sa Panginoon na siyang nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya at nagpapahintulot na maganap ang mga tanda at mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.4 Ngunit ang napakaraming tao ng lungsod ay nahati at may mga sumama nga sa mga Judio at may mga sumama sa mga apostol.5 At nagkaroon ng marahas na pagtatangka ang mga Gentil at ang mga Judio kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila ay gawan ng masama at batuhin.6 Nang ito ay nalaman nila, sila ay lumikas patungong Listra at Derbe na mga lungsod ng Licaonia at sa nakapalibot na lupain.7 At doon sila ay patuloy na nangangaral ng ebanghelyo.8 Sa Listra ay may nakaupo na isang lalaking walang lakas ang mga paa, na kailanman ay hindi nakalakad sapagkat siya ay lumpo mula pa sa sinapupunan ng kaniyang ina.9 Naririnig ng taong ito ang pagsasalita ni Pablo na nakatitig sa kaniya at nakita siyang nagtataglay ng pananampalataya upang gumaling,10 sa pamamagitan ng malakas na tinig ay sinabi sa kaniya, “Tumayo kang matuwid sa iyong mga paa!” At siya ay naglululukso at naglakad-lakad.11 At nang nakita ng napakaraming tao ang ginawa ni Pablo, sila ay sumigaw na sinasabi sa wikang Licaonia, “Ang mga diyos ay bumaba sa atin sa anyo ng mga tao.”12 Si Bernabe ay tinawag nilang Zeus at si Pablo ay Hermes dahil siya ang kinikilalang tagapagsalita.13 Kaya ang saserdote ni Zeus na nasa harap ng kanilang lungsod ay nagdala ng mga toro at mga putong na bulaklak sa mga tarangkahan, na nagnanais na maghandog ng hain kasama ang napakaraming tao.14 Nang narinig ito ng mga apostol, na sina Pablo at Bernabe, pinunit nila ang kanilang mga damit at tumakbo sila na sumisigaw sa gitna ng napakaraming tao,15 at kanilang sinasabi, “Mga ginoo, bakit ninyo ginawa ang mga bagay na ito? Kami rin ay mga taong may damdamin katulad ninyo. Ang ebanghelyo ay ipinapahayag namin sa inyo upang mula sa walang kabuluhang mga bagay na ito ay manumbalik kayo sa Diyos na buhay na siyang gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng mga bagay na naroroon.16 Sa mga salinlahing nakaraan na, siya ang nagpahintulot sa lahat ng mga bansa na lumakad sa kanilang mga landas.17 Gayunpaman, hindi niya hinayaang mawalan ng patotoo ang kaniyang sarili sapagkat gumawa siya ng mabuti at nagbigay sa atin ng ulan mula sa langit at ng mga panahong masagana, na binubusog ang ating mga puso ng pagkain at ng kagalakan.”18 Sa mga pananalitang ito ay bahagya nilang napigil ang napakaraming tao upang hindi sila maghandog ng hain sa kanila.19 Ngunit dumating mula sa Antioquia at Iconio ang mga Judio na humimok sa napakaraming tao. At pagkatapos nilang batuhin si Pablo, siya ay kanilang kinaladkad palabas ng lungsod sapagkat inakala nilang siya ay patay na.20 Ngunit habang nakapaligid sa kaniya ang mga alagad, siya ay tumindig at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, siya ay pumunta sa Derbe kasama si Bernabe.21 Nang naipangaral nila ang ebanghelyo sa lungsod na iyon at nakapagturo sa maraming alagad, bumalik sila sa Listra, sa Iconio at sa Antioquia,22 na pinapatatag ang mga kaluluwa ng mga alagad at isinasamo na sila ay manatili sa pananampalataya at “kahit sa pamamagitan ng maraming kapighatian, kinakailangan tayong pumasok sa paghahari ng Diyos.”23 Nang sila ay nakapagtalaga ng matatanda sa bawat iglesiya at nakapanalanging may pag-aayuno, sila ay kanilang ipinagtagubilin sa Panginoon na sinampalatayanan nila.24 At pagkadaan nila sa Pisidia, sila ay pumunta sa Pamfilia.25 At nang naipahayag nila ang salita sa Perga, lumusong sila sa Atalia.26 At mula roon ay naglayag sila patungo sa Antioquia, kung saan sila ay ipinagkatiwala na sa biyaya ng Diyos sa gawaing natupad nila.27 Nang dumating sila at natipon ang iglesiya, isinalaysay nila ang lahat na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.28 Kaya sila ay nanatili roon nang mahabang panahon kasama ang mga alagad. | |








