Paul kirjoittaa vankilasta
| Secondary Keywords | bilangguan Isinulat ni kasaysayan Pablo pagsulat pahimakas pangkalahatan Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Timothy 11 Si Pablo, ang apostol ni Jesu-Cristo, ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas at ng Panginoong Jesu-Cristo na ang ating pag-asa, 2 kay Timoteo, na tunay kong anak sa pananampalataya, sumaiyo ang biyaya, kahabagan at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon. 3 Ayon sa ipinayo ko sa iyo habang ako ay pumupunta sa Macedonia, na mananatili ka sa Efeso upang iyong mapagtagubilinan ang ilang kalalakihan na huwag silang magturo ng kakaibang katuruan, 4 ni bigyang pansin ang mga alamat at walang katapusang talaan ng mga angkan na nagbubunga ng pagtatalo kaysa sa pagpapatatag ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. 5 Ngunit ang kaganapan ng tagubilin ay pag-ibig mula sa dalisay na puso at mabuting budhi at pananampalatayang walang pagkukunwari. 6 Ang ilan ay lumihis sa mga ito at napabaling sa mga usapang walang kabuluhan, 7 dahil sila ay nagnanais na maging mga dalubhasa sa kautusan kahit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi, ni ang mga bagay na kanilang ipinagdidiinan. 8 Subalit alam natin na mabuti ang kautusan kapag ito ay gagamitin ng sinuman sa wastong paraan. 9 Yamang alam ko ito, na hindi itinalaga ng Diyos ang kautusan para sa taong matuwid kundi para sa mga taong hindi kumikilala sa kautusan at sa mga masuwayin, sa mga hindi makadiyos at sa mga makasalanan, sa mga walang kabanalan at mga mapaglapastangan sa Diyos, sa mga pumapatay ng kanilang ama at pumapatay ng kanilang ina, sa mga mamamatay-tao, 10 sa mga mapakiapid, sa mga may makalaman na paggamit sa katulad na kasarian, sa mga mang-aagaw ng tao, sa mga sinungaling, sa mga sumasaksi sa kasinungalingan at sa kung anong iba pang sumasalungat sa mapagkakatiwalaang katuruan 11 na ayon sa maluwalhating ebanghelyo na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos na mapagpala. 12 At ako ay nagpapasalamat kay Cristo Jesus na ating Panginoon na siyang nagpalakas sa akin sapagkat ako ay ibinilang niyang matapat at ako ay itinalaga upang maglingkod, 13 na noong una ay mapaglapastangan at mapagmalupit at mapanglait. Ngunit ako ay kaniyang kinahabagan sapagkat ginawa ko ito sa kawalan ng kaalaman dahil sa hindi pagsampalataya. 14 Subalit ang biyaya ng ating Panginoon ay labis na sumagana sa akin at nagbunga ng pananampalataya at pag-ibig para kay Cristo Jesus. 15 Ito ang mapagkakatiwalaang pananalita at karapat-dapat na lubos na tanggapin, na si Cristo Jesus ay pumarito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan, na sa kanila ay ako ang pangunahin. 16 At dahil dito, ako ay kinahabagan niya upang sa akin na pangunahing makasalanan ay maipakita ni Jesu-Cristo ang buong pagtitiis nang sa gayon ay maging huwaran ito sa kanila na sasampalataya sa kaniya patungo sa buhay na walang hanggan. 17 At ngayon, sa Haring walang hanggan, na walang pagkasira, na hindi nakikita, na tanging matalinong Diyos, sa kaniya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa. 18 Timoteo, anak ko, ang tagubiling ito ay inihahabilin ko sa iyo ayon sa mga naunang paghahayag patungkol sa iyo upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipaglaban ka ng mabuting pakikipaglaban 19 na pinanghahawakan ang pananampalataya at ang mabuting budhi, na ang ilang nagtakwil ng pananampalataya ay nawasak katulad sa pagkawasak ng barko. 20 Kabilang sa mga taong ito ay sina Himeneo at Alejandro na mga ibinigay ko kay Satanas upang sila ay matutong hindi maglapastangan. |