Paul kirjoittaa kirjeen
| Secondary Keywords | bilangguan kasaysayan pagsulat pahimakas pangkalahatan Paul sulat Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Philippians 11 Si Pablo at si Timoteo, ang mga alipin ni Jesu-Cristo, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na mga nasa Filipos kasama ang mga tagapangasiwa at mga diyakono, 2 sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 3 Pinasasalamatan ko ang aking Diyos sa bawat pag-alaala sa inyo 4 sa aking palaging pananalangin para sa inyong lahat ng panalanging may kagalakan, 5 dahil sa inyong pakikipag-isa para sa ebanghelyo mula pa noong unang araw hanggang sa ngayon, 6 dahil ako ay nakatitiyak sa bagay na ito, na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ang siyang magtatapos nito hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo, 7 yamang matuwid na ganito ang aking pag-iisip para sa inyong lahat sapagkat kayo ay nasa aking puso. Kayong lahat ay kabahagi ko sa biyaya, kahit sa aking pagkatanikala, sa pagtatanggol at sa pagpapatunay na totoo ang ebanghelyo 8 sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung gaano ako nananabik sa inyong lahat sa mahabaging kalooban ni Jesu-Cristo. 9 Ito ang aking ipinapanalangin, na ang inyong pag-ibig ay lalo pang labis na sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pagkaunawa, 10 upang mapatunayan ninyo ang mga bagay na pinakamabuti, upang kayo ay maging matapat at walang kapintasan hanggang sa araw ni Cristo, 11 na napuspos kayo ng mga bunga ng katuwiran sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos. 12 Mga kapatid, ibig kong maunawaan ninyo na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nagdulot ng paglaganap ng ebanghelyo. 13 Dahil dito, ang aking mga pagkatanikala kay Cristo ay naging maliwanag sa buong Pretorio at sa lahat ng iba pang mga dako. 14 Kaya ang karamihan ng mga kapatid sa Panginoon, na nagkaroon ng tiwala sa aking mga pagkatanikala, ay lalong naging matapang sa pagpapahayag ng salita nang walang takot. 15 Totoo ngang ipinapangaral ng ilan ang patungkol kay Cristo dahil sa inggit at paglalaban-laban, ngunit ang iba naman ay dahil sa mabuting kalooban. 16 Ang ilan nga ay ipinapahayag si Cristo dahil sa pakikipagtunggali, hindi sa katapatan ng kalooban, sa pag-aakalang ito ay makakadagdag ng paghihirap sa aking mga pagkatanikala. 17 Ngunit ang iba ay nagpapahayag mula sa pag-ibig dahil alam nila na ako ay itinalaga para sa pagtatanggol ng ebanghelyo. 18 Ano naman ito? Kahit gayon, sa anumang paraan, kahit sa pagkukunwari o sa katotohanan ay ipinapahayag si Cristo, at dahil dito ay nagagalak ako at totoong magagalak. 19 Sapagkat alam ko na ang kahihinatnan nito ay ang aking kalayaan sa pamamagitan ng inyong panalangin at sa kaloob ng Espiritu ni Jesu-Cristo 20 ayon sa aking mataimtim na pag-asam at pag-asa na sa anumang bagay ay hindi ako mapapahiya. Sa halip, sa buong katapangan kagaya ng dati at kahit sa ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan kahit sa pamamagitan ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan, 21 sapagkat para sa akin, ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang. 22 Ngunit kung ako ay mabuhay sa laman, ito ay bunga ng aking pagpapagal, gayunpaman, hindi ko nalalaman kung ano ang aking pipiliin, 23 sapagkat ako ay napipigilan ng dalawa, ang pagnanais na pumanaw at makasama si Cristo na lalong higit na mabuti, 24 ngunit ang manatili sa laman ay higit na kailangan dahil sa inyo. 25 At dahil sa katiyakang ito, alam kong ako ay mananatili at magpapatuloy na kasama ninyong lahat para sa inyong pagsulong at kagalakan sa pananampalataya, 26 upang ang inyong pagmamalaki ay higit na mag-uumapaw kay Cristo Jesus para sa akin dahil sa muli kong pagdating sa inyo. 27 Ngunit ipamuhay ninyong karapat-dapat ang ebanghelyo ni Cristo, upang kung ako ay makapunta riyan at makita ko kayo o hindi, ay marinig ko ang mga bagay patungkol sa inyo, na kayo ay naninindigan sa isang espiritu at isang kaisipan, na kayo ay sama-samang nagpupunyagi sa pananampalataya ng ebanghelyo. 28 At sa anuman ay hindi kayo matatakot sa kanila na sumasalungat sa inyo, na para sa kanila ay patunay nga ito ng kanilang kapahamakan, ngunit para sa inyo ay kaligtasan at ito ay mula sa Diyos. 29 Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang sumampalataya sa kaniya kundi upang magbata rin ng paghihirap alang-alang sa kaniya 30 sa pagkakaroon ng gayunding pakikibaka, na nakita ninyo sa akin at ngayon ay nababalitaan ninyo sa akin. Philippians 11 Si Pablo at si Timoteo, ang mga alipin ni Jesu-Cristo, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na mga nasa Filipos kasama ang mga tagapangasiwa at mga diyakono, 2 sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 3 Pinasasalamatan ko ang aking Diyos sa bawat pag-alaala sa inyo 4 sa aking palaging pananalangin para sa inyong lahat ng panalanging may kagalakan, 5 dahil sa inyong pakikipag-isa para sa ebanghelyo mula pa noong unang araw hanggang sa ngayon, 6 dahil ako ay nakatitiyak sa bagay na ito, na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ang siyang magtatapos nito hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo, 7 yamang matuwid na ganito ang aking pag-iisip para sa inyong lahat sapagkat kayo ay nasa aking puso. Kayong lahat ay kabahagi ko sa biyaya, kahit sa aking pagkatanikala, sa pagtatanggol at sa pagpapatunay na totoo ang ebanghelyo 8 sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung gaano ako nananabik sa inyong lahat sa mahabaging kalooban ni Jesu-Cristo. 9 Ito ang aking ipinapanalangin, na ang inyong pag-ibig ay lalo pang labis na sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pagkaunawa, 10 upang mapatunayan ninyo ang mga bagay na pinakamabuti, upang kayo ay maging matapat at walang kapintasan hanggang sa araw ni Cristo, 11 na napuspos kayo ng mga bunga ng katuwiran sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos. Philippians 41 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinanabikan, kayo ang aking kagalakan at putong. Mga minamahal, kayo nga ay magpakatatag sa Panginoon. 2 Namamanhik ako kay Euodias at namamanhik ako kay Sintique na maging isa sila ng pag-iisip sa Panginoon. 3 Hinihiling ko rin sa iyo, tunay na kamanggagawa, tulungan mo ang mga babaing kasama kong nagpunyagi para sa ebanghelyo, kasama rin si Clemente at ng iba pang mga kamanggagawa ko na ang mga pangalan ay nasa Aklat ng Buhay. 4 Magalak kayong palagi sa Panginoon. Muli kong sasabihin, magalak kayo! 5 Hayaan ninyong makilala ng lahat ng mga tao ang inyong kahinahunan. Malapit ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip, sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at ng paghiling na may pasasalamat ay ipagbigay-alam ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, 7 at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng pang-unawa ang mag-iingat sa inyong mga puso at mga pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 8 Sa katapus-tapusan mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, anumang mga bagay na marangal, anumang mga bagay na matuwid, anumang mga bagay na dalisay, anumang mga bagay na kalugud-lugod, anumang mga bagay na mabuting ulat, kung mayroon mang pinakamabuti at kung mayroon mang kapuri-puri, pakaisipin ninyo ang mga ito. 9 Ang mga bagay rin na inyong natutunan, natanggap, narinig at nakita sa akin, isagawa ninyo ang mga ito at ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo. 10 Ngunit lubos akong nagalak sa Panginoon, na sa wakas ay muling nanariwa ngayon ang inyong pagmamalasakit sa akin, na bagaman mayroon kayong pagmamalasakit subalit wala kayong pagkakataong ipakita ito. 11 Hindi ako nagsasalita dahil sa pangangailangan, sapagkat natutunan ko ang kasiyahan sa anumang kalagayan. 12 Alam ko ang magpakumbaba at alam ko ang managana sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng dako. At tinuruan akong mabusog at magutom, kahit ang managana at ang mangailangan. 13 Nagagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin. 14 Gayunpaman, mabuti ang inyong ginawang pakikibahagi sa aking paghihirap. 15 Ngayon, kayong mga taga-Filipos, alam din ninyo na sa simula ng pangangaral ng ebanghelyo nang ako ay umalis mula sa Macedonia, na walang ibang iglesiya ang nakibahagi sa akin sa pagkakaloob at sa pagtanggap maliban sa inyo lamang, 16 sapagkat kahit sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking pangangailangan. 17 Hindi dahil ako ay naghahangad ng kaloob kundi hinahangad ko ang bunga na nananagana para sa inyong kapakanan. 18 Mayroon akong lahat ng mga bagay at ako ay sumasagana. Napunan na ang aking pangangailangan nang natanggap ko mula kay Epafrodito ang mga bagay na inyong ipinadala. Ito ay mahalimuyak na samyo, isang haing katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa Diyos. 19 Ngunit ang aking Diyos ang magpupuno sa lahat ng inyong pangangailangan ayon sa kaniyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. 20 Ngayon, sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa. 21 Batiin ninyo ang bawat banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko. 22 Binabati kayo ng lahat ng mga banal lalung-lalo na sila na nasa sambahayan ni Cesar. 23 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong lahat. Siya nawa. Philippians 41 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinanabikan, kayo ang aking kagalakan at putong. Mga minamahal, kayo nga ay magpakatatag sa Panginoon. 2 Namamanhik ako kay Euodias at namamanhik ako kay Sintique na maging isa sila ng pag-iisip sa Panginoon. 3 Hinihiling ko rin sa iyo, tunay na kamanggagawa, tulungan mo ang mga babaing kasama kong nagpunyagi para sa ebanghelyo, kasama rin si Clemente at ng iba pang mga kamanggagawa ko na ang mga pangalan ay nasa Aklat ng Buhay. 4 Magalak kayong palagi sa Panginoon. Muli kong sasabihin, magalak kayo! 5 Hayaan ninyong makilala ng lahat ng mga tao ang inyong kahinahunan. Malapit ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip, sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at ng paghiling na may pasasalamat ay ipagbigay-alam ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, 7 at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng pang-unawa ang mag-iingat sa inyong mga puso at mga pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 8 Sa katapus-tapusan mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, anumang mga bagay na marangal, anumang mga bagay na matuwid, anumang mga bagay na dalisay, anumang mga bagay na kalugud-lugod, anumang mga bagay na mabuting ulat, kung mayroon mang pinakamabuti at kung mayroon mang kapuri-puri, pakaisipin ninyo ang mga ito. 9 Ang mga bagay rin na inyong natutunan, natanggap, narinig at nakita sa akin, isagawa ninyo ang mga ito at ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo. 10 Ngunit lubos akong nagalak sa Panginoon, na sa wakas ay muling nanariwa ngayon ang inyong pagmamalasakit sa akin, na bagaman mayroon kayong pagmamalasakit subalit wala kayong pagkakataong ipakita ito. 11 Hindi ako nagsasalita dahil sa pangangailangan, sapagkat natutunan ko ang kasiyahan sa anumang kalagayan. 12 Alam ko ang magpakumbaba at alam ko ang managana sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng dako. At tinuruan akong mabusog at magutom, kahit ang managana at ang mangailangan. 13 Nagagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin. |