symbolinen nainen
Puhdas ja saastunut symbolinen nainen, joka edustaa kahta kirkkoa profetiassa
| Avainsanat | Naiset naiset symbolinen |
|---|---|
| Secondary Keywords | hindi totoo iskarlata marangal Nainen nainen profeetallinen propeta |
| Mga Banal na Kasulatan | revelation 12:1-17 Revelation 17:1-18 Revelation 19:20 |
Revelation 121 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babaing nadaramtan ng araw at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa at sa kaniyang ulo ay may isang putong na may labindalawang bituin.2 At sa kaniyang pagdadalantao, siya ay sumisigaw sa hirap ng panganganak at dahil siya ay nahihirapan sa panganganak.3 At ang isa pang tanda ay nakita sa langit, at narito, isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay at sa kaniyang mga ulo ay may pitong putong.4 At hinihila ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At ang dragon ay tumayo sa harapan ng babae na malapit nang manganak upang lamunin nito ang bata kapag siya ay makapanganak.5 At siya ay nagsilang ng isang batang lalaki na siyang mangangalaga sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng isang pamalong bakal, ngunit ang kaniyang anak ay inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono.6 At ang babae ay tumakas patungo sa ilang kung saan ay may inihandang dako ang Diyos para sa kaniya upang siya ay kanilang alagaan doon nang isang libo at dalawang-daan at animnapung araw.7 At nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon, at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban.8 Ngunit sila ay hindi nagtagumpay, ni walang natagpuang lugar sa langit para sa kanila.9 At itinapon ang malaking dragon, ang sinaunang ahas na siyang tinatawag na diyablo at Satanas. Siya na nandaraya sa buong sanlibutan ang siyang itinapon sa lupa at ang kaniyang mga anghel ay itinapon ding kasama niya.10 At narinig ko ang isang malakas na tinig na nagsasalita sa langit, “Ngayon ay dumating ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo sapagkat itinapon na ang tagaparatang sa ating mga kapatid, yaong nagpaparatang sa kanila sa harapan ng Diyos araw at gabi.11 Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang mga patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.12 Dahil dito, magalak kayo, ang kalangitan at kayong mga nananahan doon! Kaabahan sa inyo na naninirahan sa lupa at sa dagat sapagkat ang diyablo ay bumaba sa inyo na may labis na galit dahil alam niyang maikli na ang kaniyang panahon.”13 At nang nakita ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, pinagmalupitan niya ang babae na nagsilang ng lalaki.14 Ngunit ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng malaking agila upang siya ay makalipad patungo sa ilang, patungo sa kaniyang lugar kung saan siya ay inaalagaan na malayo sa harap ng ahas, sa isang panahon at mga panahon at kalahating panahon.15 At ang babae ay binugahan ng ahas ng tubig mula sa kaniyang bibig, katulad ng isang baha upang maging sanhi ng kaniyang pagkaanod.16 Ngunit ang lupa ay tumulong sa babae at ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at hinigop ang baha na ibinuga ng dragon mula sa kaniyang bibig.17 At ang dragon ay labis na nagalit sa babae at umalis upang makipagdigma sa natitira niyang binhi, yaong mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at nagtataglay ng patotoo ni Jesu-Cristo. Revelation 171 Ang isa sa pitong anghel na may taglay ng pitong mangkok ay lumabas at nagsalita sa akin na sinasabi, “Halika rito at ipapakita ko sa iyo ang hatol sa dakilang patutot na siyang nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig,2 na sa kaniya ay nakiapid ang mga hari ng daigdig at ang mga naninirahan sa daigdig ay nalasing sa pamamagitan ng alak ng kaniyang pakikiapid.”3 Kaya ako ay kaniyang dinala patungo sa ilang sa pamamagitan ng Espiritu at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa pulang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na punung-puno ng mga pangalan ng paglapastangan.4 At ang babae ay nakadamit ng kulay ube at pula, at siya ay nagayakan ng ginto at mamahaling bato at mga perlas, at may isang sarong ginto sa kaniyang kamay na punung-puno ng mga bagay na karumal-dumal at ng karumihan ng kaniyang pakikiapid.5 At sa kaniyang noo ay may isang pangalan na nakasulat: HIWAGA, ANG DAKILANG BABILONIA, ANG INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KARUMAL-DUMAL NG DAIGDIG.6 At nakita ko ang babae na nalasing sa pamamagitan ng dugo ng mga banal at sa pamamagitan ng dugo ng mga saksi ni Jesus. At nang siya ay nakita ko, ako ay namangha na may labis na pamamangha.7 At sinabi ng anghel sa akin, “Bakit ka namangha? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae at ng mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay, na siyang nagdadala sa kaniya.8 Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang nasa nakaraan, at kasalukuyang nawala, at nalalapit nang umahon mula sa walang hanggang kalaliman at papatungo sa kapahamakan. At ang mga taong naninirahan sa daigdig, na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay simula pa sa pagkatatag ng sanlibutan, ay mamamangha habang nakikita nila ang mabangis na hayop, na nasa nakaraan, at kasalukuyang nawala, ngunit paparating.9 “Narito ang kaisipan na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan ang babae ay umuupo sa kanila,10 at sila ay pitong hari: ang lima ay ang mga bumagsak, at ang isa ay nasa kasalukuyan, at isa ay hindi pa dumating, ngunit kapag siya ay dumating, siya ay nararapat na sandaling manatili.11 At ang mabangis na hayop na siyang nasa nakaraan at wala na sa kasalukuyan ay siya ring pangwalo at siya ay mula sa pito at patungo sa kapahamakan.12 “Ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari na hindi pa tumanggap ng paghahari, ngunit sila ay tumatanggap ng kapamahalaan bilang mga hari ng isang oras kasama ang mabangis na hayop.13 Ang mga haring ito ay may isang kaisipan at ibibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa mabangis na hayop.14 Sila ay makikipagdigma laban sa Kordero ngunit ang Kordero ang lulupig sa kanila sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at yaong mga kasama niya ay ang mga tinawag at mga pinili at matatapat.”15 At sinasabi ng anghel sa akin, “Ang mga tubig na iyong nakita kung saan umuupo ang patutot ay mga lahi at mga pangkat at mga bansa at mga wika.16 Ang sampung sungay na iyong nakita sa mabangis na hayop, ang mga ito ang mapopoot sa patutot at gagawin nila siyang wasak at hubad, at kanilang kakainin ang kaniyang mga laman at siya ay kanilang tutupukin ng apoy,17 sapagkat ilalagay ng Diyos sa kanilang mga puso upang gawin ang kaniyang kalooban at upang sila ay gumawa ng isang layunin at ibigay ang kanilang kaharian sa mabangis na hayop hanggang sa maganap ang mga sinabi ng Diyos.18 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lungsod na siyang mayroong paghahari sa mga hari ng daigdig.” Revelation 1920 At ang mabangis na hayop ay hinuli at pagkatapos nito ay ang bulaang propeta na siyang gumawa ng mga tanda sa harap niya, na sa pamamagitan ng mga ito ay kaniyang dinaya yaong mga tumanggap ng tatak ng mabangis na hayop at yaong mga sumasamba sa kaniyang pangalan. Ang dalawang ito ay itinapong buhay sa lawa ng apoy na nagniningas sa asupre. | |








