Saatana kiusaa Jeesus Jeesus
| Avainsanat | demonyo Jeesus Jeesus tukso |
|---|---|
| Secondary Keywords | bundok Henki Henki lakas pagsubok tuksuhin |
| Mga Banal na Kasulatan | Hebrews 2:18 Hebrews 4:15 Lucas 4:1-13 Matthew 4: 1-11 |
Hebrews 218 Dahil sa siya ay nakaranas na tuksuhin, makakaya niyang tulungan yaong mga tinutukso. Hebrews 415 sapagkat wala tayong pinakapunong saserdote na walang kakayahang makiramay sa ating mga kahinaan. Ngunit siya ay sinubok sa lahat ng kaparaanan katulad natin, subalit siya ay walang kasalanan. Luke 41 Si Jesus na puspos ng Banal na Espiritu ay bumalik mula sa Jordan at siya ay dinala ng Espiritu sa ilang2 upang tuksuhin ng diyablo sa loob ng apatnapung araw, at siya ay hindi kumain ng anuman sa mga araw na iyon. Pagkatapos ng mga ito, siya ay nagutom.3 At sinabi ng diyablo sa kaniya, “Yamang ikaw ang anak ng Diyos, sabihin mo sa batong ito na ito ay maging tinapay.”4 Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat Salita ng Diyos.’ ” Deu 8:35 At nang dinala ng diyablo si Jesus patungo sa isang mataas na bundok, ipinakita niya sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan sa sandaling panahon.6 At sinabi ng diyablo sa kaniya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapamahalaang ito at ang kaniyang kaluwalhatian sapagkat ibinigay na ito sa akin at ibibigay ko ito kung kanino ko nanaisin.7 Kaya kung ikaw ay sasamba sa harapan ko, ang lahat ng mga ito ay magiging iyo.”8 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Lumayo ka sa akin, Satanas! Sapagkat ito ang nasusulat, ‘Sasambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” Deu 6:139 At dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at pinatayo siya sa taluktok ng templo at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula rito10 sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo upang ingatan ka,’ Awi 91:1111 at ‘bubuhatin ka nila ng kanilang mga kamay upang hindi tumama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:1212 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinabi, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:1613 Pagkatapos ng lahat ng pagtukso, siya ay iniwan ng diyablo hanggang sa nakatakdang panahon. Matthew 41 Pagkatapos nito, si Jesus ay dinala ng Banal na Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.2 At pagkatapos niyang makapag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.3 At nang dumating sa kaniya ang manunukso ay sinabi nito, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.”4 Ngunit si Jesus ay sumagot na nagsasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ” Deu 8:35 Pagkatapos nito, siya ay dinala ng diyablo sa banal na lungsod at siya ay pinatayo sa taluktok ng templo6 at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel para sa iyo’ at ‘bubuhatin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tatama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:11-127 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Muli, ito ang nasusulat, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:168 Siya ay muling dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kaluwalhatian ng mga ito,9 at sinabi niya sa kaniya, “Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung ikaw ay magpatirapa at sasamba sa akin.”10 Pagkatapos nito, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Satanas, lumayo ka! Sapagkat ito ang nasusulat, ‘Sasambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” Deu 6:1311 Pagkatapos nito, siya ay iniwan ng diyablo, at narito, lumapit ang mga anghel at pinaglingkuran siya. | |








