Rauhaa, rauhaa
| Secondary Keywords | Belen gumuho Jeesus Jeesus Josef kainan kapanganakan kumakain Maria matatag matulog pagod Pasko sabsaban tulog |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Isaiah 710 At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi, 11 Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. 12 Nguni't sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon. 13 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios? 14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. 15 Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti. 16 Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan. Luke 21 At nangyari, na sa mga araw na iyon ay lumabas ang isang batas mula kay Augusto Cesar na magpatala ang buong sangkatauhan. 2 Ang pagpapatalang ito ay unang nangyari nang si Cirenio ay gobernador ng Siria. 3 Kaya ang lahat ay pumunta upang makapagpatala, bawat isa sa kaniyang sariling lungsod. 4 At si Jose ay umahon din buhat sa Galilea, mula sa lungsod ng Nazaret patungo sa Judea, sa lungsod ni David na tinatawag na Bethlehem dahil siya ay kabilang sa sambahayan at angkan ni David, 5 upang magpatalang kasama si Maria, na ipinagkasundong mapangasawa niya, na nasa kabuwanan na noon. 6 At nangyari, na habang sila ay naroroon, sumapit ang araw ng kaniyang panganganak. 7 At isinilang niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki at siya ay binalot ng mahabang tela at inihiga niya sa sabsaban sapagkat wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan. Matthew 118 At ganito ang naging kapanganakan ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kaniyang ina ay ipinagkatipan na mapangasawa ni Jose bago pa sila magsama, siya ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19 Ngunit si Jose na kaniyang asawa, bilang lalaking matuwid at hindi nagnanais na ilagay sa hayag na kahihiyan si Maria, ay nagpasyang palayain siya nang lihim. 20 Ngunit habang kaniyang pinag-iisipan ang mga ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip na sinasabi, “Jose na anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang kaniyang pinagdadalang-tao ay mula sa Banal na Espiritu. 21 At siya ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.” 22 At ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na sinasabi, 23 “Narito, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel,” Isa 7:14 na ang kahulugan ay, “Kasama natin ang Diyos.” Isa 8:8, 10 24 Pagkagising ni Jose mula sa pagkatulog, ginawa niya ang ayon sa iniutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kaniyang asawa. |








