10 At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi,11 Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas.12 Nguni't sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.13 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.15 Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.16 Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan.
Luke 2
1 In those days a decree went out from Caesar Augustus that all the world should be registered.2 This was the first registration when Quirinius was governor of Syria.3 And all went to be registered, each to his own town.4 And Joseph also went up from Galilee, from the town of Nazareth, to Judea, to the city of David, which is called Bethlehem, because he was of the house and lineage of David,5 to be registered with Mary, his betrothed, who was with child.6 And while they were there, the time came for her to give birth.7 And she gave birth to her firstborn son and wrapped him in swaddling cloths and laid him in a manger, because there was no place for them in the inn.
Matthew 1
18 At ganito ang naging kapanganakan ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kaniyang ina ay ipinagkatipan na mapangasawa ni Jose bago pa sila magsama, siya ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.19 Ngunit si Jose na kaniyang asawa, bilang lalaking matuwid at hindi nagnanais na ilagay sa hayag na kahihiyan si Maria, ay nagpasyang palayain siya nang lihim.20 Ngunit habang kaniyang pinag-iisipan ang mga ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip na sinasabi, “Jose na anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang kaniyang pinagdadalang-tao ay mula sa Banal na Espiritu.21 At siya ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”22 At ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na sinasabi,23 “Narito, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel,” Isa 7:14 na ang kahulugan ay, “Kasama natin ang Diyos.” Isa 8:8, 1024 Pagkagising ni Jose mula sa pagkatulog, ginawa niya ang ayon sa iniutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kaniyang asawa.