1 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nasa isang pook na nagkakaisa.2 At biglang nagkaroon ng ugong mula sa langit kagaya ng paghagibis ng napakalakas na hangin at pinuno nito ang buong bahay kung saan sila ay nakaupo.3 At ang nagkakabaha-bahaging mga dila katulad ng apoy ay nagpakita sa kanila at ito ay lumapag sa bawat isa sa kanila.4 Kaya silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at sila ay nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang sabihin.