Täydellinen rauha
| Secondary Keywords | Creitz Ellen panalangin Profeetta Raamattu Steve valkoinen valkoinen valkoinen |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 6 |
Matthew 61 “Mag-ingat kayo, huwag isagawa ang inyong kawanggawa sa harapan ng mga tao upang makita nila. Sapagkat kung magkagayon, hindi kayo magkakaroon ng gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit.2 Kaya kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, huwag mong patunugin ang trumpeta sa iyong unahan katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan upang sila ay maluwalhati ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.3 Ngunit kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, hindi dapat malaman ng iyong kaliwang kamay ang anumang ginagawa ng iyong kanang kamay4 upang ang iyong kawanggawa ay maililihim at ang iyong Ama na siyang nakakakita ng lihim ang siyang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.5 “At kapag ikaw ay nananalangin, huwag kang maging katulad ng mga mapagkunwari sapagkat gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga daan upang manalangin, nang sa gayon sila ay makita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.6 Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, pumasok ka sa iyong silid at pagkatapos mong isara ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama ng palihim at ang iyong Ama na nagmamasid ng palihim ang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.7 At kapag kayo ay nananalangin, huwag ninyong gamitin ang mga paulit-ulit na mga walang kabuluhan katulad ng mga Gentil sapagkat inaakala nila na sa kanilang maraming salita, sila ay pakikinggan.8 “Kaya huwag kayong tumulad sa kanila sapagkat alam na ng inyong Ama kung anu-ano ang inyong mga pangangailangan bago kayo humiling sa kaniya.9 Kaya manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.10 Hayaang dumating ang iyong paghahari. Hayaang mangyari ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayundin sa lupa.11 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain.12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paano rin kami nagpapatawad sa mga nagkakautang sa amin.13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.14 “Dahil kapag nagpatawad kayo sa mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, papatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.15 Ngunit kapag hindi kayo nagpatawad sa mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo papatawarin ng inyong Ama sa inyong mga pagsalangsang.16 “At kapag kayo ay nag-aayuno, huwag kayong maging katulad ng mga mapagpaimbabaw na malungkot ang mga mukha sapagkat pinapalungkot nila ang kanilang mga mukha upang sila ay magpakitang nag-aayuno sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.17 Ngunit ikaw, sa iyong pag-aayuno, langisan mo ang iyong ulo at hugasan mo ang iyong mukha18 nang sa gayon ay hindi ka magpakitang nag-aayuno sa mga tao kundi sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na siyang nakakakita sa lihim ang maggagantimpala sa iyo nang hayagan.19 “Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan sa lupa kung saan ang tanga at ang kalawang ay nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakakapanloob at nakakapagnakaw.20 Sa halip mag-ipon kayo para sa inyong sarili ng kayamanan sa langit kung saan kahit ang tanga ni ang kalawang ay hindi nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakakapanloob, ni nakakapagnakaw.21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay magiging doon din ang inyong puso.22 “Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya kapag malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay magiging maliwanag.23 Subalit kapag ang iyong mata ay masama, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman, gaano katindi ang kadilimang iyan!24 “Walang sinuman ang makakayanang maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kamumuhian niya ang isa at iibigin ang iba, o kakapitan niya ang isa at hahamakin ang iba. Hindi ninyo makakayanang maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.25 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit?26 Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga kamalig ngunit sila ay pinapakain ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit pa kayong mahalaga kaysa sa kanila?27 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.30 Ngunit kung ganito dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay nabubuhay at bukas ay itatapon sa pugon, hindi ba lalong higit kayo, kayong maliit ang pananampalataya?31 “Kaya huwag kayong mabalisa na nagsasabi, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming daramtin?’32 (sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ang hinahanap ng mga Gentil) dahil alam na ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.33 Subalit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo.34 Kaya huwag kayong mabalisa para sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa mga bagay para sa kaniyang sarili. Sapat na para sa araw na ito ang kasamaan nito. | |








