14 Kung kayo ay inaalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo, na para sa kanila, si Cristo ay nilalapastangan, ngunit para sa inyo, siya ay niluluwalhati.15 Ngunit huwag hayaang magdusa ang sinuman sa inyo kagaya ng mamamatay-tao, o ng magnanakaw, o ng gumagawa ng masama, o kagaya ng mapanghimasok sa gawain ng iba.16 Subalit kung siya ay magdanas ng hirap bilang Cristiano, huwag siyang mahiya, sa halip ay luwalhatiin niya ang Diyos sa pangyayaring ito.