1 At kayo ay kaniyang binuhay, na dating mga patay sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,2 na sa mga ito ay dati kayong namuhay ayon sa takbuhin ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapamahalaan ng hangin, ang espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway.