4 Subalit nang nag-uumaga na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat, gayunpaman hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.5 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga anak, wala ba kayong makakain?” Sumagot sila sa kaniya, “Wala.”6 At sinabi niya sa kanila, “Ihulog ninyo ang lambat sa bahaging kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nila ang lambat at hindi na nila ito kayang hilahin dahil sa dami ng isda.7 Kaya ang alagad na iyon na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, “Ang Panginoon iyon!” Nang narinig nga ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-ibabaw na damit (sapagkat siya ay nakahubad) at tumalon siya sa dagat.