Peter kiistää Kristuksen
| Secondary Keywords | alagad Jeesus Jeesus Joulu Kieltäjät pahimakas Peter Simon Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 2254 At nang siya ay kanilang hinuli, siya ay isinama nila sa bahay ng pinakapunong saserdote, at si Pedro ay sumusunod na may kalayuan. 55 At pagkatapos ng kanilang pagsiga sa gitna ng patyo at sama-samang pag-upo, si Pedro ay umupo sa kalagitnaan nila. 56 Ngunit isang utusang babae ang nakakita kay Pedro na nakaupong malapit sa apoy. Siya ay tumitig kay Pedro at sinabi, “Ang isa ring ito ay kasama niya.” 57 At ipinagkaila ni Pedro si Jesus, na sinasabi, “Ginang, hindi ko siya kilala.” 58 At pagkalipas ng ilang sandali, may isa pang nakakita sa kaniya at sinabi, “Ikaw rin ay kasama nila.” Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ako kasama.” 59 At pagkalipas nang halos isang oras, may isang mariing nagsalita na sinasabi, “Totoo na ang isa ring ito ay kasama niya sapagkat siya rin ay taga-Galilea.” 60 Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At habang siya ay nagsasalita pa, ang tandang ay tumilaok kaagad. 61 At nang lumingon ang Panginoon, tiningnan niya si Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon katulad ng sinabi niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang, ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.” 62 At nang si Pedro ay lumabas, siya ay tumangis nang buong pait. Mark 1466 Nang si Pedro ay nasa bulwagan sa ibaba, dumating ang isa sa mga aliping babae ng pinakapunong saserdote. 67 At nang nakita niya si Pedro na nagpapainit ng kaniyang sarili, siya ay tinitigan niya at sinabi, “Ikaw rin ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.” 68 Ngunit siya ay nagkaila na nagsasabi, “Hindi ko alam, ni nauunawaan kung ano ang sinasabi mo.” At siya ay lumabas patungo sa portiko at tumilaok ang tandang. 69 At nang nakita siyang muli, ang alipin ay nagsimulang magsabi sa mga nakatayo roon, “Ang isang ito ay kasama nila.” 70 Ngunit ito ay muli niyang ipinagkaila. At pagkatapos ng ilang sandali, ang mga nakatayo roon ay muling nagsabi kay Pedro, “Totoo, ikaw ay isa sa kanila sapagkat ikaw rin ay taga-Galilea at ang pagsasalita mo ay katulad sa isang taga-Galilea.” 71 Ngunit siya ay nagsimulang mag-alimura at manumpa na sinasabi, “Hindi ko kilala ang taong ito na inyong sinasabi.” 72 At sa ikalawang pagkakataon, ang tandang ay tumilaok at naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bago tumilaok ang dalawang ulit ang tandang, tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” Nang naalaala niya ito, siya ay tumangis. Matthew 2669 Si Pedro ay nakaupo sa labas ng bulwagan at lumapit sa kaniya ang isang utusang babae na nagsasabi, “Ikaw ay kasama rin ni Jesus na taga-Galilea.” 70 Subalit siya ay nagkaila sa harapan ng lahat na sinasabi, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” 71 At nang siya ay lumabas patungo sa tarangkahan, siya ay nakilala ng isa pang utusang babae at sinabi niya sa kanila na naroroon, “Ang lalaki ring ito ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.” 72 At siya ay muling nagkaila na may panunumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” 73 Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, lumapit sa kaniya yaong mga nakatayo at sinabi kay Pedro, “Totoo naman na ikaw ay isa rin sa kanila sapagkat ang iyong pananalita ang malinaw na nagpapakilala sa iyo.” 74 Kaya siya ay nagsimulang magsalita ng masama at manumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” At kaagad tumilaok ang tandang. 75 At naipaalala kay Pedro ang salita ni Jesus na sinabi sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” At siya ay lumabas at tumangis na may kapaitan. |