69 Si Pedro ay nakaupo sa labas ng bulwagan at lumapit sa kaniya ang isang utusang babae na nagsasabi, “Ikaw ay kasama rin ni Jesus na taga-Galilea.”70 Subalit siya ay nagkaila sa harapan ng lahat na sinasabi, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”71 At nang siya ay lumabas patungo sa tarangkahan, siya ay nakilala ng isa pang utusang babae at sinabi niya sa kanila na naroroon, “Ang lalaki ring ito ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.”72 At siya ay muling nagkaila na may panunumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.”73 Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, lumapit sa kaniya yaong mga nakatayo at sinabi kay Pedro, “Totoo naman na ikaw ay isa rin sa kanila sapagkat ang iyong pananalita ang malinaw na nagpapakilala sa iyo.”74 Kaya siya ay nagsimulang magsalita ng masama at manumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” At kaagad tumilaok ang tandang.75 At naipaalala kay Pedro ang salita ni Jesus na sinabi sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” At siya ay lumabas at tumangis na may kapaitan.