4 Ngunit maayos na isinalaysay ni Pedro sa kanila ang pangyayari mula sa simula na sinasabi,5 “Ako ay nasa lungsod ng Jopa na nananalangin at sa kalagayang parang nangangarap, ako ay nakakita ng pangitain ng isang sisidlang bumababa na kagaya ng malapad na kumot na may apat na sulok at ibinababa mula sa langit at umabot hanggang sa akin.6 Nang tinitigan ko iyon, pinagmasdan ko at nakita ko ang mga hayop sa lupa na may apat na paa, ang mababangis na hayop, ang mga hayop na gumagapang at ang mga ibon sa himpapawid.7 At narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Tumindig ka Pedro, kumatay ka at kumain ka.’8 Ngunit sinabi ko, ‘Hindi maaari, Panginoon! Sapagkat kailanman ay walang anumang karaniwan o marumi ang pumasok sa aking bibig.’9 Subalit sumagot sa akin ng ikalawang ulit ang tinig mula sa langit, ‘Yaong mga nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi.’10 At ito ay nangyari ng tatlong ulit at muling hinatak ang lahat patungo sa langit.