Jeesus Pietarin kanssa mainitsee muutamia muita opetuslapsia. Jeesus kysyy: "Kuka sanoo Ihmisen Pojan?", jonka jälkeen Pietari vastasi luottavaisesti: "Sinä olet Messias."
15 Kaya pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, nalalaman mong minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga kordero.”16 Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon, “Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, alam mo na minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”17 Sinabi ni Jesus sa kaniya sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Jonas, minamahal mo ba ako?” Ikinalungkot ito ni Pedro sapagkat sa ikatlong pagkakataon ay sinabi ni Jesus sa kaniya, “Minamahal mo ba ako?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Nalalaman mo na minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupa.