Pietari opettaa
| Secondary Keywords | Gentil kasaysayan opetuksen opettamista pahimakas Peter Samaria simbahan tinatanggap Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 11 |
Acts 111 At narinig ng mga apostol at ng mga kapatid na nasa Judea na ang mga Gentil ay tumanggap din ng salita ng Diyos.2 At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, nakipagtalo sa kaniya ang mga nasa pagtutuli3 na sinasabi, “Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli at kumain kang kasalo nila!”4 Ngunit maayos na isinalaysay ni Pedro sa kanila ang pangyayari mula sa simula na sinasabi,5 “Ako ay nasa lungsod ng Jopa na nananalangin at sa kalagayang parang nangangarap, ako ay nakakita ng pangitain ng isang sisidlang bumababa na kagaya ng malapad na kumot na may apat na sulok at ibinababa mula sa langit at umabot hanggang sa akin.6 Nang tinitigan ko iyon, pinagmasdan ko at nakita ko ang mga hayop sa lupa na may apat na paa, ang mababangis na hayop, ang mga hayop na gumagapang at ang mga ibon sa himpapawid.7 At narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Tumindig ka Pedro, kumatay ka at kumain ka.’8 Ngunit sinabi ko, ‘Hindi maaari, Panginoon! Sapagkat kailanman ay walang anumang karaniwan o marumi ang pumasok sa aking bibig.’9 Subalit sumagot sa akin ng ikalawang ulit ang tinig mula sa langit, ‘Yaong mga nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi.’10 At ito ay nangyari ng tatlong ulit at muling hinatak ang lahat patungo sa langit.11 At narito, dumating kaagad sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaki na isinugo sa akin mula sa Cesarea.12 At sinabi sa akin ng Espiritu na sumama ako sa kanila nang walang pag-aalinlangan. Gayunpaman, sumama rin sa akin itong anim na mga kapatid at pumasok kami sa bahay ng lalaking iyon.13 Isinalaysay rin niya sa amin kung paano niya nakita sa kaniyang bahay ang isang anghel na nakatayo at nagsasabi sa kaniya, ‘Magsugo ka ng mga lalaki sa Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro.14 Siya ang magsasalaysay sa iyo ng mga salita, sa ikaliligtas mo at ng iyong buong sambahayan.’15 At nang ako ay nagsimulang magsalita, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu katulad din ng pagbaba niya sa atin noong simula.16 Kaya naalala ko ang salita ng Panginoon kung paano niya sinabi, ‘Tunay na si Juan ay nagbawtismo sa tubig, ngunit kayo ay babawtismuhan sa Banal na Espiritu.’17 Yamang ibinigay nga ng Diyos sa kanila ang ganoon ding kaloob kagaya ng ibinigay niya sa atin na sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo, sino naman ako na makakasalungat sa Diyos?”18 Kaya nang narinig nila ang mga bagay na ito, tumahimik sila at niluwalhati nila ang Diyos na sinasabi, “Kung gayon, ibinigay rin ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi patungo sa buhay.”19 Kaya nga, sila na mga nangalat dahil sa pagmamalupit na nangyari kay Esteban, ay naglakbay hanggang sa Fenicia, sa Cyprus at sa Antioquia na walang sinumang pinagsalaysayan ng salita maliban sa mga Judio lamang.20 Ngunit ang ilan sa kanila ay mga lalaking nagmula sa Cyprus at sa Cerene. Nang ang mga ito ay dumating sa Antioquia, sila ay nagsalita sa mga Helenista na ipinangangaral ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus.21 At ang kamay ng Panginoon ay sumakanila at ang malaking bilang ng mga sumasampalataya ay bumaling patungo sa Panginoon.22 At ang ulat patungkol sa kanila ay nakarating sa pandinig ng iglesiya na nasa Jerusalem, kaya isinugo nila si Bernabe upang pumunta hanggang sa Antioquia.23 Nang siya ay dumating at nakita niya ang biyaya ng Diyos, siya ay nagalak at isinamo niya sa kanilang lahat na manatili sila sa Panginoon ayon sa kapasyahan ng kanilang puso,24 sapagkat siya ay mabuting tao at puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya. At ang lubhang napakaraming tao ay naidagdag sa Panginoon.25 Pagkatapos nito, si Bernabe ay pumunta sa Tarso upang hanapin si Saulo.26 At nang natagpuan niya si Saulo, siya ay kaniyang dinala sa Antioquia. Nangyari, na sa buong isang taon sila ay nagkatipong kasama ang iglesiya at nagturo sa lubhang napakaraming tao. At sa Antioquia, ang mga alagad ay unang tinawag na mga Cristiano.27 Sa mga araw na ito ay may mga propetang bumaba mula sa Jerusalem patungo sa Antioquia.28 Tumindig nga ang isa sa kanila na ang pangalan ay Agabo at ipinahayag niya sa pamamagitan ng Espiritu na may magaganap na malaking taggutom sa buong sanlibutan, na nangyari rin sa kapanahunan ni Claudio Cesar.29 Kaya ang mga alagad, ayon sa kakayahan ng bawat isa, ay nagtakda ng mga bagay upang ipadalang tulong sa mga kapatid na nakatira sa Judea.30 Ginawa nila ito at ipinadala sa matatanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo. | |








