16 Subalit ito ang siyang ipinahayag ng propetang si Joel,17 ‘At mangyayari sa mga huling araw, sinasabi ng Diyos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. At ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay maghahayag, at ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip.18 Gayundin ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga aliping lalaki at mga aliping babae sa mga araw na iyon, at sila ay maghahayag ng salita ng Diyos.19 At magpapakita ako ng mga kamangha-manghang gawa sa langit na nasa itaas at sa lupa na nasa ibaba, dugo, ng apoy at singaw na usok.20 Ang araw ay magiging kadiliman at ang buwan ay magiging dugo bago dumating ang dakila at hayag na araw ng Panginoon.21 Kaya mangyayari na ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’ Joe 2:28-32