66 Nang si Pedro ay nasa bulwagan sa ibaba, dumating ang isa sa mga aliping babae ng pinakapunong saserdote.67 At nang nakita niya si Pedro na nagpapainit ng kaniyang sarili, siya ay tinitigan niya at sinabi, “Ikaw rin ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.”68 Ngunit siya ay nagkaila na nagsasabi, “Hindi ko alam, ni nauunawaan kung ano ang sinasabi mo.” At siya ay lumabas patungo sa portiko at tumilaok ang tandang.69 At nang nakita siyang muli, ang alipin ay nagsimulang magsabi sa mga nakatayo roon, “Ang isang ito ay kasama nila.”70 Ngunit ito ay muli niyang ipinagkaila. At pagkatapos ng ilang sandali, ang mga nakatayo roon ay muling nagsabi kay Pedro, “Totoo, ikaw ay isa sa kanila sapagkat ikaw rin ay taga-Galilea at ang pagsasalita mo ay katulad sa isang taga-Galilea.”71 Ngunit siya ay nagsimulang mag-alimura at manumpa na sinasabi, “Hindi ko kilala ang taong ito na inyong sinasabi.”