7 At narito, ang isang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi niya at ang ilaw ay nagliwanag sa kulungan. At tinapik niya si Pedro sa tagiliran at kaniyang ginising na sinasabi, “Bumangon kang madali.” At nalaglag ang mga tanikala mula sa kaniyang mga kamay.8 At sinabi sa kaniya ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong mga panyapak.” At gayon ang ginawa niya. At sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong balabal at sumunod ka sa akin.”9 At siya ay lumabas at sumunod sa anghel at hindi niya alam na totoo ang nangyayaring ito sa pamamagitan ng anghel, gayunpaman, inakala niyang nakakita siya ng pangitain.