18 Mga kasambahay, magpasakop kayo na may buong pagkatakot sa inyong mga amo, hindi lamang sa mababait at mahinahon kundi sa mga liko rin19 sapagkat ito ay kapuri-puri kung ang sinuman ay nagtitiis ng mga kapighatian dahil sa kaniyang hindi makatarungang paghihirap dahil sa pagkakilala sa Diyos.20 At ano ang kapurihan kung kayo ay pinahihirapan dahil nagkakasala kayo, ito ay inyong tinitiis? Ngunit kung kayo ay pinahihirapan dahil gumagawa kayo ng mabuti, ito ay inyong tinitiis, ito ay katanggap-tanggap sa Diyos21 sapagkat kayo ay tinawag para rito dahil si Cristo rin ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga yapak.22 “Siya ay hindi nagkasala at walang natagpuang pandaraya sa kaniyang bibig.” Isa 53:923 Bagaman siya ay nilait, siya ay hindi nanlait. Nang siya ay nahirapan, siya ay hindi nagbanta, sa halip ay ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili sa kaniya na humahatol ng matuwid.24 Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang sariling katawan sa kahoy, upang tayo na mga patay sa kasalanan ay mabuhay sa katuwiran, at dahil sa kaniyang latay ay gumaling kayo25 sapagkat kayo ay katulad ng mga tupang naliligaw, ngunit ngayon ay nanumbalik kayo sa pastol at tagapangasiwa ng inyong mga kaluluwa.