9 Kinabukasan, habang sila ay naglalakbay at papalapit na sa lungsod, si Pedro ay umakyat sa bubungan ng bahay upang manalangin nang mag-ikaanim na ang oras.10 At siya ay lubhang nagutom at ibig na niyang kumain. Ngunit habang sila ay naghahanda, dumating siya sa kalagayang parang nangangarap.11 At nakita niyang nabuksan ang langit at bumababa sa kaniya ang isang sisidlan kagaya ng isang malapad na kumot na nakabuhol ang apat na sulok at ibinababa sa lupa,12 kung saan naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop sa lupa na may apat na paa, ang mga mababangis na hayop, ang mga hayop na gumagapang at ang mga ibon sa himpapawid.13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, “Tumindig ka Pedro, kumatay ka at kumain ka!”14 Ngunit sinabi ni Pedro, “Hindi maaari, Panginoon! Sapagkat kailanman ay hindi pa ako kumain ng anumang bagay na karaniwan o marumi.”15 At muling nagsalita sa kaniya ang tinig sa ikalawang pagkakataon, “Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi.”16 At ito ay nangyari ng tatlong ulit at muling hinatak sa langit ang sisidlan.