Vetoomus
| Avainsanat | Anteeksianto Anteeksianto dasal etninen kumartaa Kunnioitus magdasal mayakap mga kamay Mies nagsisisi nakatiklop nöyrä pagsamba pagsisisi pagtatalamitam panalangin petisyon yumuko |
|---|---|
| Secondary Keywords | Anna anteeksi Asyano debosyon henkilö isa käsi kädessä magsara nang lubusan magsisi makipag-usap Mies paghahanap pagkakasala pagsisisi ulo |
| Mga Banal na Kasulatan | 1 John 1 |
1 John 11 Siya na buhat sa simula, na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming namasdan at nahawakan ng aming mga kamay, siya ang Salita ng buhay.2 Ang buhay ay nahayag at nakita na namin at pinatotohanan namin at isinasalaysay namin sa inyo ang buhay na walang hanggan na iyon na kasama ng Ama at nahayag sa amin.3 Siya na aming nakita at aming narinig ay isinasalaysay namin sa inyo upang kayo rin ay magkaroon ng pakikipag-isa sa amin. Tunay na ang aming pakikipag-isa ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo.4 Isinusulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang malubos na ang inyong kagalakan.5 Ito ang pahayag na narinig namin sa kaniya at ipinahahayag namin sa inyo, na ang Diyos ay liwanag at sa kaniya ay walang anumang kadiliman.6 Kapag sinabi natin na may pakikipag-isa tayo sa kaniya ngunit tayo ay naglalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi natin ginagawa ang katotohanan.7 Ngunit kung naglalakad tayo sa liwanag, katulad niya na nasa liwanag, may pakikipag-isa tayo sa isa't isa at ang dugo ni Jesu-Cristo na kaniyang anak ang naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.8 Kapag sinabi natin na wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating mga sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.9 Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan.10 Kapag sinabi natin na hindi na tayo nagkakasala, ginagawa natin siyang sinungaling at ang salita niya ay wala sa atin. | |








