27 Siya ay tumindig at pumaroon, at narito, isang lalaking taga-Etiopia, isang makapangyarihang kapon na namamahala sa lahat ng kayamanan ni Candace na reyna ng mga taga-Etiopia, ay pumaroon sa Jerusalem upang sumamba28 at siya ay pabalik na. At habang siya ay nakaupo sa kaniyang karwahe, binabasa niya ang propetang Isaias.29 Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka at sumama ka sa karwaheng ito.”30 At nang tumakbong papalapit si Felipe, narinig niyang binabasa nito ang propetang Isaias. At sinabi niya, “Nauunawaan mo bang lubos ang iyong binabasa?”