Filippiinien vankila
| Avainsanat | bantay-bilangguan Filipos Konversio pagsisisi pagsisisi Paul Silas |
|---|---|
| Secondary Keywords | kaligtasan |
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 16:16-35 |
Acts 1616 At nangyari na habang kami ay patungo sa pook-dalanginan, sinalubong kami ng isang aliping babae na inaalihan ng espiritu ng panghuhula. Siya ay nagdadala ng malaking kita sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula.17 Siya ay sumunod kay Pablo at sa amin, at sumisigaw na sinasabi, “Ang mga lalaking ito ay mga alipin ng Kataas-taasang Diyos. Sila ang nangangaral sa atin sa daan ng kaligtasan.”18 At ginagawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo ay nabagabag at siya ay lumingon, at sinabi niya sa espiritu, “Inuutusan kita, sa pangalan ni Jesu-Cristo, lumabas ka sa kaniya.” At ito ay lumabas sa oras ding iyon.19 Ngunit nang nakita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang pagkakakitaan, dinakip nila sina Pablo at Silas at kinaladkad sila patungo sa pamilihan, sa harapan ng mga pinuno.20 Nang naiharap na sila sa mga kapitan, sinabi nila, “Ang mga lalaking ito na mga Judio ay lubos na nanggugulo sa ating lungsod,21 at sila ay nangangaral ng mga kaugaliang hindi sa atin ipinapahintulot na tanggapin ni gawin bilang mga mamamayan ng Roma.”22 Kaya ang napakaraming tao ay sama-samang tumindig laban sa kanila at pinunit ng mga kapitan ang mga damit nila at iniutos na sila ay paluin ng mga pamalong kahoy.23 Pagkatapos silang paluin ng marami, sila ay dinala sa kulungan at ipinagtagubilin sa bantay ng bilangguan na sila ay ingatang mabuti.24 Nang natanggap na nito ang gayong utos, sila ay kaniyang itinulak sa kaloob-looban ng bilangguan at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangaw.25 At sa hatinggabi, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno para sa Diyos at ang mga bilanggo ay nakikinig sa kanila.26 At biglang nagkaroon ng malakas na lindol, kung kaya nayanig ang mga saligan ng bilangguan, at ang lahat ng mga pinto ay kaagad nabuksan, at ang mga gapos ng lahat ay nakalas.27 At nang nagising ang bantay ng bilangguan mula sa pagkakatulog at nakita niyang bukas na ang mga pinto ng kulungan, binunot niya ang kaniyang tabak at tinangkang patayin ang sarili sa pag-aakalang nakatakas na ang mga bilanggo.28 Ngunit si Pablo ay sumigaw nang may malakas na tinig na sinasabi, “Huwag mong gawan ng masama ang iyong sarili sapagkat naririto kaming lahat.”29 Kaya humingi siya ng mga ilaw, at siya ay nagmadaling pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas.30 At pagkatapos niya silang dalhin sa labas, sinabi niya, “Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang ako ay maligtas?”31 Kaya sinabi nila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”32 At ipinangaral nila sa kaniya ang salita ng Panginoon at sa kanilang lahat na nasa kaniyang bahay.33 At sa oras din ng gabing iyon, sila ay kaniyang kinuha at hinugasan niya ang kanilang mga sugat. At siya ay kaagad na binawtismuhan gayundin ang kaniyang buong sambahayan.34 Pagkatapos, sila ay kaniyang isinama sa kaniyang bahay, sila ay hinainan niya ng pagkain. At siya ay nagalak kasama ang kaniyang buong sambahayan na sumampalataya na sa Diyos.35 Nang sumapit na ang araw, ang mga kapitan ay nagsugo ng mga sarhento na sinasabi, “Palayain niyo ang mga taong iyon.” | |








