21 Sapagkat yamang sa karunungan ng Diyos, ang sanlibutan ay hindi kumilala sa Diyos sa pamamagitan ng karunungan, nalugod ang Diyos na iligtas yaong mga sumasampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.
1 John 4
14 Aming nakita at aming pinatototohanan na isinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sangkatauhan.
John 12
47 At kung ang sinuman ay nakapakinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko siya hahatulan sapagkat hindi ako pumarito upang hatulan ang sangkatauhan kundi upang iligtas ang sangkatauhan.
John 3
16 sapagkat sa ganitong paraan ay inibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.