wjpas0375
| Secondary Keywords | daliri Emmanuel Herra immanuaalinen Jeesus Jeesus Joulu Master Messias Mies Mies pagturo tuldok Vapahtaja |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 23 |
Matthew 231 Pagkatapos ay nagsalita si Jesus sa napakaraming tao at sa kaniyang mga alagad,2 na sinasabi, “Ang mga eskriba at ang mga Fariseo ay nakaupo sa upuan ni Moises.3 Kaya ang lahat ng anumang kanilang sasabihin sa inyo upang sundin ay sundin ninyo at gawin ninyo. Ngunit huwag ninyong gawin ang ayon sa kanilang mga gawa sapagkat sila ay nagsasalita ngunit hindi nila ginagawa4 dahil sila ay nagtatali ng mga mabibigat na pasanin na mahirap pasanin at ipinapapasan sa mga balikat ng mga tao, ngunit hindi nila ninanais galawin ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang daliri.5 Subalit ang lahat ng kanilang mga gawa ay kanilang ginagawa upang ipakita sa mga tao. At kanilang pinapalapad ang kanilang mga pilakterya at pinapalaki ang mga laylayan ng kanilang mga damit.6 Ninanais din nila ang pangunahing dako sa mga hapunan at ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga7 at ang mga pagbati sa mga pamilihan at upang sila ay tawagin, ‘Rabbi! Rabbi!’8 Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Rabbi’ sapagkat isa ang inyong pinuno, si Cristo, at kayong lahat ay magkakapatid.9 At huwag ninyong tawaging ama ang sinuman sa lupa sapagkat isa ang inyong Ama na nasa langit,10 ni huwag kayong magpatawag na mga pinuno sapagkat isa ang inyong pinuno, si Cristo.11 Ngunit ang higit na dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo.12 At ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba ng kaniyang sarili ay itataas.13 “Ngunit sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil isinasara ninyo ang paghahari ng langit laban sa mga tao sapagkat kayo ay hindi pumapasok at hindi ninyo pinapahintulutan na pumasok yaong mga pumapasok.14 Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil nilalamon ninyo ang mga bahay ng mga babaing balo at sa pagkukunwari ay nananalangin kayo nang mahaba. Dahil dito, kayo ay tatanggap ng higit na mabigat na kahatulan.15 “Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil nililibot ninyo ang dagat at ang lupain upang ang isa ay magbago ng paniniwala at kapag siya ay naging gayon, ginagawa ninyo siyang anak ng impiyerno nang higit na makalawang ulit kaysa sa inyo.16 “Sa inyong aba, mga bulag na tagaakay! Kayo na nagsasabi, ‘Ang sinumang manumpa sa pamamagitan ng banal na dako ng templo, ito ay walang kabuluhan. Ngunit ang sinumang manumpa sa pamamagitan ng ginto ng banal na dako ng templo, siya ay may pananagutan.’17 Mga mangmang at mga bulag! Alin ba ang higit na dakila, ang ginto o ang banal na dako ng templo na nagpapabanal sa ginto?18 At ‘ang sinumang manumpa sa pamamagitan ng dambana, ito ay walang kabuluhan. Ngunit ang sinumang manumpa sa pamamagitan ng kaloob na nasa dambana, siya ay may pananagutan.’19 Mga mangmang at bulag! Alin ba ang higit na dakila, ang handog o ang dambana na nagpapabanal sa handog?20 Kaya siya na sumusumpa sa pamamagitan ng dambana ay sumusumpa sa pamamagitan nito at sa lahat ng mga bagay na naroroon.21 At siya na sumusumpa sa pamamagitan ng banal na dako ng templo ay sumusumpa sa pamamagitan nito at sa pamamagitan niya na naninirahan doon.22 At siya na sumusumpa sa pamamagitan ng langit ay sumusumpa sa pamamagitan ng trono ng Diyos at sa pamamagitan niya na nakaupo roon.23 “Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil kayo ay nagbibigay ng ikapu ng menta, ng anis at ng kumina, ngunit pinababayaan ninyo ang higit na mahalagang mga bagay ng Kautusan: ang paghukom at ang kahabagan at pananampalataya. Ang mga ito ang dapat ninyong gawin at huwag pabayaan ang iba.24 Mga bulag na tagaakay! Kayo ang sumasala ng niknik subalit nilulunok ninyo ang kamelyo.25 “Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil nililinis ninyo ang labas ng saro at ng pinggan, ngunit sa loob, sila ay napupuno ng pangingikil at kawalan ng pagpipigil sa sarili.26 Bulag na Fariseo! Linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan upang maging malinis din ang labas ng mga ito.27 “Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil kayo ay katulad ng mga pinaputing puntod na maganda ngang tingnan sa labas ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at lahat ng karumihan.28 Gayundin kayo, sa labas kayo ay nagmumukha ngang matuwid sa mga tao ngunit sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at hindi pagkilala sa kautusan.29 “Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Dahil itinatayo ninyo ang mga puntod ng mga propeta at ginagayakan ninyo ang mga libingan ng mga matuwid30 at inyong sinasabi, ‘Kung kami ay naroroon sa panahon ng ating mga ama, hindi sana kami kasali sa kanila sa dugo ng mga propeta.’31 “Kaya kayo ang nagpapatotoo sa inyong mga sarili na kayo ay mga anak ng mga pumatay sa mga propeta.32 Punuin nga ninyo ang sukat ng inyong mga ama.33 Mga ahas, mga anak ng mga ulupong! Paano kayo makakatakas mula sa hatol ng impiyerno?34 Dahil dito, narito, isinusugo ko sa inyo ang mga propeta, ang mga pantas na lalaki at ang mga eskriba. At ang ilan sa kanila ay inyong papatayin at inyong ipapako sa krus, at ang ilan sa kanila ay inyong hahagupitin sa inyong mga sinagoga at pagmamalupitan sa bawat lungsod,35 upang dumating sa inyo ang lahat ng matuwid na dugo na nabuhos sa lupa: simula sa dugo ni Abel na matuwid hanggang sa dugo ni Zacarias, na anak ni Baraquias, na inyong pinatay sa pagitan ng banal na dako ng templo at ng dambana.36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.37 “Jerusalem! Jerusalem! Ikaw na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga isinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak kung paano tinitipon ng inahing manok ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang pakpak, ngunit ayaw ninyo?38 Narito, wasak na iniwanan sa iyo ang iyong bahay39 sapagkat sinasabi ko sa iyo na ako ay hinding-hindi ninyo makikita mula ngayon, hanggang sa sabihin mo, ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon.’ ” Awi 118:26 | |








