21 Kaya si Jesus ay sumagot sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kapag kayo ay may pananampalataya at hindi mag-aalinlangan, hindi lamang ninyo magagawa itong gaya sa puno ng igos. Subalit kapag inyo ring sasabihin sa bundok na ito, ‘Maalis ka at maihagis ka sa dagat’ ay mangyayari ito.22 At ang lahat ng mga bagay, anuman ang inyong hihilingin sa panalangin na may pananampalataya ay inyong makakamtan.”
Proverbs 17
6 Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
Psalm 36
7 Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
Psalm 54
2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
Psalm 86
6 Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.7 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako.