26 At gayundin naman, ang Espiritu ay kasamang tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin, subalit ang Espiritu mismo ang namamagitan para sa ating mga pagdaing na hindi maipahayag ng salita.27 At siya na sumusuri ng mga puso ang nakakaalam na kung ano ang kaisipan ng Espiritu sapagkat siya ang namamagitan alang-alang sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.28 At alam natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa para sa kabutihan ng mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ayon sa kaniyang layunin