35 At nangyari, na habang siya ay papalapit sa Jerico ay may isang lalaking bulag na nagpapalimos na nakaupo sa tabi ng daan.36 Nang narinig niya ang maraming taong dumadaan, tinanong niya kung ano kaya ito.37 At ibinalita nila sa kaniya na si Jesus na taga-Nazaret ay dumadaan.38 Kaya siya ay sumigaw na sinasabi, “Jesus, Anak ni David, kahabagan mo ako.”39 At sila na mga nauuna ay sinaway siya upang siya ay manahimik, ngunit lalung-lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, kahabagan mo ako.”40 At nang tumigil si Jesus ay iniutos niya na dalhin siya sa kaniya. At nang lumapit ang bulag, siya ay tinanong ni Jesus41 na sinasabi, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ibig kong makakita.”42 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tanggapin mo ang iyong paningin. Pinagaling ka na ng iyong pananampalataya.”