1 Habang sila ay nagsasalita sa mga tao, dumating sa kanila ang mga saserdote, ang kapitan ng templo at ang mga Saduseo2 na nababahala sapagkat tinuturuan nila ang mga tao at inihahayag nila na sa pamamagitan ni Jesus ang muling pagkabuhay mula sa mga patay.3 Sila ay kanilang dinakip at ibinilanggo hanggang sa kinabukasan dahil noon ay gumagabi na.