17 sapagkat ako ay hindi isinugo ni Cristo upang magbawtismo kundi upang ipangaral ang ebanghelyo, hindi sa pamamagitan ng karunungan ng salita upang hindi mawalan ng halaga ang krus ni Cristo.
2 Corinthians 10
16 upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dakong lagpas sa inyo at hindi upang ipagmalaki ang sukat ng mga bagay na inihanda ng iba.
Mark 16
15 At sinabi niya sa kanila, “Sa inyong paghayo sa buong sanlibutan, ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat nilikha.
Romans 10
15 At papaano sila makakapagpahayag kung sila ay hindi isusugo? Ayon sa nasusulat, “Anong ganda ng mga paa nila na nagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan at sa kanila na mga nagpapahayag ng ebanghelyo ng mabubuting bagay.” Isa 52:7