Valmistaudu taisteluun
| Secondary Keywords | alagad hapunan Jeesus Jeesus labanan nagtuturo Namamahagi nanalangin paghahanda pahimakas silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 14:1-31 Juan 15:1-27 |
John 141 “Huwag hayaang mabalisa ang inyong mga puso. Sumasampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin kayo sa akin.2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo.3 Kapag ako ay makaparoon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroroon ay dumuon din kayo.4 Kung saan ako pupunta ay alam ninyo at alam na ninyo ang daan.”5 Sinabi sa kaniya ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malaman ang daan?”6 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.7 Kung ako ay kilala na ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at nakita na ninyo siya.”8 Sinabi ni Felipe sa kaniya, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at sapat na iyon sa amin.”9 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang sinumang nakakita na sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’?10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi mula sa aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain.11 Sumampalataya ka sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa aking mga gawa mismo.12 “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawaing ginagawa ko. Higit sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa aking Ama.13 Anuman ang inyong hihilingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak.14 Kung hihiling kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.15 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.16 “Hihingi ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Mang-aaliw upang siya ay mananatili sa inyo magpakailanman,17 siya ang Espiritu ng Katotohanan. Hindi siya matatanggap ng sangkatauhan sapagkat siya ay hindi nito nakikita, ni hindi nito nakikilala. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nananatiling kasama ninyo at sasainyo.18 “Hindi ko kayo iiwanan na mga ulila, ako ay babalik sa inyo.19 Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sangkatauhan ngunit nakikita ninyo ako. Yamang ako ay nabubuhay, kayo rin naman ay mabubuhay.20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa aking Ama. Kayo naman ay nasa akin at ako ay nasa inyo.21 Siya na nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad sa mga ito ay siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama. Siya ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya ang aking sarili.”22 Sinabi sa kaniya ni Judas na hindi taga-Keriot, “Panginoon, ano ang nangyari dahil sa amin mo ipapahayag ang iyong sarili at hindi sa sangkatauhan?”23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking mga salita at iibigin siya ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at mananahan na kasama niya.24 Siya na hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Ang salita na inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Ama na nagsugo sa akin.25 “Ang mga ito ay sinabi ko sa inyo habang ako ay nananatiling kasama ninyo.26 Ang Mang-aaliw, ang Banal na Espiritu, na siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko ang magtuturo sa inyo ng lahat at ipapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo at hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabalisa, ni mangamba ang inyong puso.28 Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo, ‘ako ay aalis at muling babalik sa inyo.’ Kung ako ay iniibig ninyo, magagalak kayo sapagkat sinabi kong ‘ako ay pupunta sa Ama,’ dahil ang aking Ama ay higit kaysa sa akin.29 Sinabi ko na sa inyo ito bago pa mangyari, upang kung ito ay mangyayari ay manampalataya kayo.30 Simula ngayon ay hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay dumarating at siya ay walang kaugnayan sa akin.31 Ngunit kung paano ako inutusan ng Ama, gayundin ang ginagawa ko upang malaman ng sangkatauhan na iniibig ko ang Ama. Tumindig kayo, aalis na tayo rito.” John 151 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.2 Ang bawat sanga na nasa akin na hindi nagbubunga ay inaalis niya at ang bawat sangang nagbubunga ay nililinis niya upang magbunga pa ng marami.3 Kayo ay malinis na sa pamamagitan ng salita na sinalita ko sa inyo.4 Manatili kayo sa akin at ako sa inyo. Kung paanong ang sanga ay hindi makakapamunga sa kaniyang sarili maliban na ito ay manatili sa puno ng ubas, hindi rin kayo makakapamunga maliban na manatili kayo sa akin.5 “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Siya na nananatili sa akin at ako sa kaniya, siya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman.6 Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, siya ay itinatapon sa labas katulad ng sanga at ito ay natutuyo. Kanilang tinitipon ang mga iyon at itinatapon sa apoy kaya ang mga ito ay nasusunog.7 Kung kayo ay manatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hihilingin ninyo ang anumang inyong nanaisin at ito ay mangyayari sa inyo.8 Sa ganito naluluwalhati ang aking Ama upang kayo ay makakapamunga ng sagana at kayo ay magiging aking mga alagad.9 “Kung paanong inibig ako ng Ama ay inibig ko rin kayo. Manatili kayo sa aking pag-ibig.10 Kung matupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nananatili sa kaniyang pag-ibig.11 “Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo at upang ang inyong kagalakan ay malubos.12 Ito ang aking utos upang mag-ibigan kayo sa isa't isa kagaya ng pag-ibig ko sa inyo.13 Walang sinumang nagtataglay ng pag-ibig na higit pa sa pag-ibig na ito, na may isang nag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.14 Kayo ay aking mga kaibigan kung nagagawa ninyo ang anumang iniuutos ko sa inyo.15 Mula ngayon, hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin sapagkat hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Sa halip ay tinawag ko na kayong mga kaibigan sapagkat lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay aking ipinaalam sa inyo.16 Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo upang kayo ay humayo at mamunga, at ang inyong bunga ay manatili upang anumang bagay ang inyong hihilingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo upang kayo ay mag-ibigan sa isa't isa.18 “Kung kinamumuhian kayo ng sangkatauhan, alam ninyo na kinamuhian na ako nito bago pa man kayo.19 Kung kayo ay sa sanlibutan, mamahalin ng sanlibutan ang sariling kaniya. Subalit yamang kayo ay hindi sa sanlibutan, sa halip, kayo ay mga hinirang ko mula sa sanlibutan, kaya kinamumuhian kayo ng sangkatauhan.20 Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo, ‘Ang alipin ay hindi higit kaysa sa kaniyang panginoon.’ Kung ako ay kanilang pinagmalupitan, pagmamalupitan din nila kayo. Kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang sa inyo.21 Gayunpaman, ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa pangalan ko sapagkat siya na nagsugo sa akin ay hindi nila kilala.22 Kung hindi ako pumarito at nagsalita sa kanila, hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan. Ngunit ngayon ay wala na silang maikakatwiran patungkol sa kanilang kasalanan.23 Siya na namumuhi sa akin ay namumuhi rin sa aking Ama.24 Kung hindi ko ginawa sa kanila ang mga gawaing hindi ginawa ng sinuman, hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan. Ngunit ngayon ay nakita nila ang mga gawain, kaya kinamuhian nila ako at ang aking Ama25 upang matupad ang salita na nasusulat sa kanilang Kautusan, ‘Kinamuhian nila ako ng walang dahilan.’ Awi 35:19; 69:426 “Ngunit kapag dumating ang Mang-aaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama, siya ay magpapatotoo patungkol sa akin.27 Kayo rin ay nagpapatotoo sapagkat mula sa simula, kasama ko na kayo.” | |








