12 Sa unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang kanilang inihahandog ang kordero ng Paglagpas, sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, “Saan mo ibig na kami ay pumunta at kami ay makapaghanda upang makakain ka ng hapunan ng Paglagpas?”13 Kaya isinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa lungsod at may masasalubong kayong lalaki na may dalang isang banga ng tubig, sundan ninyo siya.14 Kung saan man siya papasok, sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Sinasabi ng Guro, “Saan ang silid-pampanauhin kung saan ako ay maaring kumain ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mga alagad?” ’15 At ipapakita niya sa inyo ang malaking silid sa itaas na may nakaayos na kagamitan. Maghanda kayo roon para sa atin.”16 Umalis ang mga alagad at pumasok sa lungsod, at natagpuan nila ang ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang hapunan ng Paglagpas.