Viimeisen illallisen valmistelu
| Secondary Keywords | hapunan Jeesus Jeesus Namamahagi paghahanda paghahanda pahimakas Pasko ng Pagkabuhay silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 22:7-16 Marcos 14:12-17 Matthew 26:17-20 |
Luke 227 Ngunit dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, kung kailan kinakailangang katayin ang handog para sa Paglagpas.8 Kaya isinugo ni Jesus si Pedro at si Juan, na sinasabi, “Umalis kayo at ihanda ninyo ang hapunan ng Paglagpas para sa atin upang tayo ay makakain.”9 At sinabi nila sa kaniya, “Saan mo ninanais na kami ay makapaghanda?”10 At sinabi niya sa kanila, “Narito, kapag kayo ay makapasok sa lungsod, makakasalubong ninyo ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sumunod kayo sa kaniya sa bahay na kaniyang papasukan.11 At sasabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ang Guro ay nagsasabi sa iyo, “Saan ang silid-pampanauhin kung saan ako ay maaring kumain ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mga alagad?” ’12 At ipapakita sa inyo ng lalaking iyon ang isang malaking silid sa itaas na may nakaayos na kagamitan. Maghanda kayo roon.”13 At nang sila ay nakaalis, kanilang natagpuan ito katulad ng kaniyang sinabi sa kanila, at sila ay naghanda ng hapunan ng Paglagpas.14 At nang dumating ang oras, si Jesus ay dumulog sa hapag at ang labindalawang apostol ay kasama niya.15 At sinabi niya sa kanila, “Buong paghahangad kong hinangad na kumain ng hapunang ito ng Paglagpas na kasama kayo bago sa aking paghihirap16 sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako kakain nito kailanman hanggang sa maganap ito sa kaharian ng Diyos.” Mark 1412 Sa unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang kanilang inihahandog ang kordero ng Paglagpas, sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, “Saan mo ibig na kami ay pumunta at kami ay makapaghanda upang makakain ka ng hapunan ng Paglagpas?”13 Kaya isinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa lungsod at may masasalubong kayong lalaki na may dalang isang banga ng tubig, sundan ninyo siya.14 Kung saan man siya papasok, sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Sinasabi ng Guro, “Saan ang silid-pampanauhin kung saan ako ay maaring kumain ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mga alagad?” ’15 At ipapakita niya sa inyo ang malaking silid sa itaas na may nakaayos na kagamitan. Maghanda kayo roon para sa atin.”16 Umalis ang mga alagad at pumasok sa lungsod, at natagpuan nila ang ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang hapunan ng Paglagpas.17 At pagsapit ng gabi, si Jesus ay dumating kasama ng labindalawa. Matthew 2617 Sa simula ng kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang mga alagad ay pumunta kay Jesus na sinasabi, “Saan mo ninanais na kami ay maghanda para sa iyo upang kumain sa Paglagpas?”18 At sinabi niya, “Pumunta kayo sa isang lalaki na nasa lungsod at sabihin ninyo sa kaniya, ‘Ang Guro ay nagsabi, “Ang aking nakatakdang oras ay malapit na. Gaganapin ko ang Paglagpas, kasama ang aking mga alagad, sa inyo.” ’ ”19 Kaya ginawa ng mga alagad ang ayon sa iniutos ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang Paglagpas.20 Nang nagtakipsilim na, si Jesus ay dumulog sa hapag kasama ang labindalawa. | |








