21 Ngunit sinabi sa kaniya ng anak, ‘Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin at ako ay hindi na karapat-dapat na tawaging iyong anak.’22 “Gayunpaman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, ‘Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo ito sa kaniya, at magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at mga pangyapak para sa kaniyang mga paa.