Profetia
| Secondary Keywords | anak babae Babylon hayop imahen leon leopardo Maan maa madala mga kaharian Nabucodonosor panaginip profetia propeta Raamattu |
|---|---|
| Tertiary Keywords | Jeesus Jeesus |
| Mga Banal na Kasulatan | 2:28-32 3:7 1 Corinthians 14:3 2 Peter 1:21 Acts 2:16-21 Daniel 2 Daniel 7 Revelation 12 Revelation 13 Revelation 17 |
1 Corinthians 143 Subalit siya na nagpapahayag sa mga tao ay nagsasalita para sa ikatitibay, pagpapayo at kaaliwan. 2 Peter 121 sapagkat ang pahayag ay hindi dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, ngunit ang mga banal na tao ng Diyos ay nagsalita habang sila ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Acts 216 Subalit ito ang siyang ipinahayag ng propetang si Joel,17 ‘At mangyayari sa mga huling araw, sinasabi ng Diyos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. At ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay maghahayag, at ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip.18 Gayundin ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga aliping lalaki at mga aliping babae sa mga araw na iyon, at sila ay maghahayag ng salita ng Diyos.19 At magpapakita ako ng mga kamangha-manghang gawa sa langit na nasa itaas at sa lupa na nasa ibaba, dugo, ng apoy at singaw na usok.20 Ang araw ay magiging kadiliman at ang buwan ay magiging dugo bago dumating ang dakila at hayag na araw ng Panginoon.21 Kaya mangyayari na ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’ Joe 2:28-32 Amos 37 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta. Daniel 21 At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.2 Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.3 At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.4 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.5 Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.6 Nguni't kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.7 Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.8 Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.9 Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.10 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.11 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.12 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia.13 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.14 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;15 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.16 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.17 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:18 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.19 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.21 At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya.23 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.24 Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.25 Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan.26 Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon?27 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man.28 Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:29 Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari.30 Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso.31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.32 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,33 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.35 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.36 Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari.37 Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian;38 At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto.39 At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.40 At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.41 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.42 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.45 Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.46 Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.47 Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.48 Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia.49 At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari. Daniel 71 Nang unang taon ni Belsasar na hari sa Babilonia, ay nagtaglay si Daniel ng isang panaginip at mga pangitain ng kaniyang ulo sa kaniyang higaan: nang magkagayo'y kaniyang isinulat ang panaginip, at isinaysay ang kabuoan ng mga bagay.2 Si Daniel ay nagsalita, at nagsabi, May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan, at, narito, ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat.3 At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagat,4 Ang una'y gaya ng leon, at may mga pakpak ng aguila: aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao'y nahugot, at ito'y nataas mula sa lupa, at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya.5 At, narito, ang ibang hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.6 Pagkatapos nito'y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.7 Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay.8 Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay.9 Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo: ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy.10 Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.11 Ako'y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay; ako'y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay, at ang kaniyang katawan ay nagiba, at siya'y nabigay upang sunugin sa apoy.12 At tungkol sa nalabi sa mga hayop, ang kanilang kapangyarihan ay naalis: gayon ma'y ang kanilang mga buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon.13 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.15 Tungkol sa aking si Daniel, ang aking kalooban ay namanglaw sa loob ng aking katawan, at binagabag ako ng mga pangitain ng aking ulo.16 Ako'y lumapit sa isa sa kanila na nakatayo, at itinanong ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa lahat na ito. Sa gayo'y kaniyang isinaysay sa akin, at ipinaaninaw niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay.17 Ang mga dakilang hayop na ito na apat, ay apat na hari, na magbabangon sa lupa.18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.19 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi;20 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama.21 Ako'y tumingin, at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila;22 Hanggang sa ang matanda sa mga araw ay dumating, at ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal, ng Kataastaasan; at ang panaho'y dumating na inari ng mga banal ang kaharian.23 Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin.24 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.26 Nguni't ang kahatulan ay matatatag, at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan, upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas.27 At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya.28 Narito ang wakas ng bagay. Tungkol sa aking si Daniel, ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip, at ang aking pagmumukha ay nabago: nguni't iningatan ko ang bagay sa aking puso. Joel 228 At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:29 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.30 At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.31 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.32 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon. Revelation 121 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babaing nadaramtan ng araw at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa at sa kaniyang ulo ay may isang putong na may labindalawang bituin.2 At sa kaniyang pagdadalantao, siya ay sumisigaw sa hirap ng panganganak at dahil siya ay nahihirapan sa panganganak.3 At ang isa pang tanda ay nakita sa langit, at narito, isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay at sa kaniyang mga ulo ay may pitong putong.4 At hinihila ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At ang dragon ay tumayo sa harapan ng babae na malapit nang manganak upang lamunin nito ang bata kapag siya ay makapanganak.5 At siya ay nagsilang ng isang batang lalaki na siyang mangangalaga sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng isang pamalong bakal, ngunit ang kaniyang anak ay inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono.6 At ang babae ay tumakas patungo sa ilang kung saan ay may inihandang dako ang Diyos para sa kaniya upang siya ay kanilang alagaan doon nang isang libo at dalawang-daan at animnapung araw.7 At nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon, at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban.8 Ngunit sila ay hindi nagtagumpay, ni walang natagpuang lugar sa langit para sa kanila.9 At itinapon ang malaking dragon, ang sinaunang ahas na siyang tinatawag na diyablo at Satanas. Siya na nandaraya sa buong sanlibutan ang siyang itinapon sa lupa at ang kaniyang mga anghel ay itinapon ding kasama niya.10 At narinig ko ang isang malakas na tinig na nagsasalita sa langit, “Ngayon ay dumating ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo sapagkat itinapon na ang tagaparatang sa ating mga kapatid, yaong nagpaparatang sa kanila sa harapan ng Diyos araw at gabi.11 Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang mga patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.12 Dahil dito, magalak kayo, ang kalangitan at kayong mga nananahan doon! Kaabahan sa inyo na naninirahan sa lupa at sa dagat sapagkat ang diyablo ay bumaba sa inyo na may labis na galit dahil alam niyang maikli na ang kaniyang panahon.”13 At nang nakita ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, pinagmalupitan niya ang babae na nagsilang ng lalaki.14 Ngunit ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng malaking agila upang siya ay makalipad patungo sa ilang, patungo sa kaniyang lugar kung saan siya ay inaalagaan na malayo sa harap ng ahas, sa isang panahon at mga panahon at kalahating panahon.15 At ang babae ay binugahan ng ahas ng tubig mula sa kaniyang bibig, katulad ng isang baha upang maging sanhi ng kaniyang pagkaanod.16 Ngunit ang lupa ay tumulong sa babae at ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at hinigop ang baha na ibinuga ng dragon mula sa kaniyang bibig.17 At ang dragon ay labis na nagalit sa babae at umalis upang makipagdigma sa natitira niyang binhi, yaong mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at nagtataglay ng patotoo ni Jesu-Cristo. Revelation 131 At ako ay nakatayo sa buhangin ng dagat at nakita ko na umaahon mula sa dagat ang isang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay at sa mga sungay nito ay may sampung putong at sa mga ulo nito ay may pangalan ng paglapastangan.2 At ang mabangis na hayop na aking nakita ay katulad sa isang leopardo at ang mga paa nito ay katulad ng sa oso at ang bibig nito ay katulad ng bibig ng leon. At ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang luklukan at dakilang kapamahalaan.3 At nakita ko ang isa sa mga ulo nito na parang kinatay para mamatay at ang kaniyang nakakamatay na sugat ay gumaling. At ang buong daigdig ay namangha at sumunod sa mabangis na hayop,4 at kanilang sinamba ang dragon na siyang nagbigay ng kapamahalaan sa mabangis na hayop at kanilang sinamba ang mabangis na hayop, na sinasabi, “Sino ang katulad ng mabangis na hayop? Sino ang may kakayahan upang makipaglaban sa kaniya?”5 At siya ay binigyan ng isang bibig na nagsasalita ng dakilang mga bagay at mga paglapastangan at siya ay binigyan ng kapamahalaan upang gumawa nang apatnapu't dalawang buwan.6 At binuksan niya ang kaniyang bibig sa paglapastangan laban sa Diyos upang lapastanganin ang pangalan ng Diyos at ang kaniyang tabernakulo at yaong mga nananahan sa langit.7 At siya ay pinagkalooban na magsagawa ng digmaan sa mga banal at upang sila ay lupigin, at siya ay pinagkalooban ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa.8 At ang lahat niyaong mga naninirahan sa daigdig ay sasamba sa kaniya, sila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na siyang pinatay mula sa pagkatatag ng sanlibutan.9 Kung ang sinuman ay may pandinig, hayaan siyang makinig.10 Kung ang sinuman ay nakikipagtipon para sa pagkabihag, siya ay patutungo sa pagkabihag. Kung ang sinuman ay papatay sa pamamagitan ng tabak, siya ay dapat mamatay sa pamamagitan ng tabak. Naririto ang pagtitiis at pananampalataya ng mga banal.11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa, at ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero, ngunit ito ay nagsasalita katulad ng isang dragon.12 At ang lahat ng kapamahalaan ng unang mabangis na hayop ay ginagamit niya sa harapan nito, at ginagawa niya na ang daigdig at yaong mga naninirahan dito, na kanilang sambahin ang unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay napagaling.13 At ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa ng mga dakilang tanda upang magawa niyang magpababa rin ng apoy mula sa langit patungo sa lupa sa harapan ng mga tao.14 At dinadaya niya yaong mga naninirahan sa daigdig sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng mabangis na hayop sa pagsasabi sa kanila na naninirahan sa daigdig na sila ay gagawa ng larawan ng mabangis na hayop na mayroong sugat ng tabak ngunit nabuhay.15 At pinagkalooban ito na magbigay ng buhay sa larawan ng mabangis na hayop upang magsalita rin ang larawan ng mabangis na hayop at gagawin niya na ang sinumang hindi sasamba sa larawan ng mabangis na hayop ay papatayin.16 At ginagawa niya ang lahat, ang mga hindi dakila at mga dakila, ang mayayaman at ang mga dukha, ang mga malaya at ang mga alipin na sila ay mabigyan niya ng tatak sa kanilang kanang kamay o sa kanilang mga noo17 at nang sa gayon, ang sinuman ay hindi makakabili o makakapagbili kung hindi niya tinataglay ang tatak o ang pangalan ng mabangis na hayop o ang bilang ng pangalan nito.18 Narito ang karunungan. Siya na may pang-unawa, bilangin niya ang bilang ng mabangis na hayop sapagkat ito ay bilang ng isang tao at ang bilang niya ay anim na raan at animnapu't anim. Revelation 171 Ang isa sa pitong anghel na may taglay ng pitong mangkok ay lumabas at nagsalita sa akin na sinasabi, “Halika rito at ipapakita ko sa iyo ang hatol sa dakilang patutot na siyang nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig,2 na sa kaniya ay nakiapid ang mga hari ng daigdig at ang mga naninirahan sa daigdig ay nalasing sa pamamagitan ng alak ng kaniyang pakikiapid.”3 Kaya ako ay kaniyang dinala patungo sa ilang sa pamamagitan ng Espiritu at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa pulang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na punung-puno ng mga pangalan ng paglapastangan.4 At ang babae ay nakadamit ng kulay ube at pula, at siya ay nagayakan ng ginto at mamahaling bato at mga perlas, at may isang sarong ginto sa kaniyang kamay na punung-puno ng mga bagay na karumal-dumal at ng karumihan ng kaniyang pakikiapid.5 At sa kaniyang noo ay may isang pangalan na nakasulat: HIWAGA, ANG DAKILANG BABILONIA, ANG INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KARUMAL-DUMAL NG DAIGDIG.6 At nakita ko ang babae na nalasing sa pamamagitan ng dugo ng mga banal at sa pamamagitan ng dugo ng mga saksi ni Jesus. At nang siya ay nakita ko, ako ay namangha na may labis na pamamangha.7 At sinabi ng anghel sa akin, “Bakit ka namangha? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae at ng mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay, na siyang nagdadala sa kaniya.8 Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang nasa nakaraan, at kasalukuyang nawala, at nalalapit nang umahon mula sa walang hanggang kalaliman at papatungo sa kapahamakan. At ang mga taong naninirahan sa daigdig, na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay simula pa sa pagkatatag ng sanlibutan, ay mamamangha habang nakikita nila ang mabangis na hayop, na nasa nakaraan, at kasalukuyang nawala, ngunit paparating.9 “Narito ang kaisipan na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan ang babae ay umuupo sa kanila,10 at sila ay pitong hari: ang lima ay ang mga bumagsak, at ang isa ay nasa kasalukuyan, at isa ay hindi pa dumating, ngunit kapag siya ay dumating, siya ay nararapat na sandaling manatili.11 At ang mabangis na hayop na siyang nasa nakaraan at wala na sa kasalukuyan ay siya ring pangwalo at siya ay mula sa pito at patungo sa kapahamakan.12 “Ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari na hindi pa tumanggap ng paghahari, ngunit sila ay tumatanggap ng kapamahalaan bilang mga hari ng isang oras kasama ang mabangis na hayop.13 Ang mga haring ito ay may isang kaisipan at ibibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa mabangis na hayop.14 Sila ay makikipagdigma laban sa Kordero ngunit ang Kordero ang lulupig sa kanila sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at yaong mga kasama niya ay ang mga tinawag at mga pinili at matatapat.”15 At sinasabi ng anghel sa akin, “Ang mga tubig na iyong nakita kung saan umuupo ang patutot ay mga lahi at mga pangkat at mga bansa at mga wika.16 Ang sampung sungay na iyong nakita sa mabangis na hayop, ang mga ito ang mapopoot sa patutot at gagawin nila siyang wasak at hubad, at kanilang kakainin ang kaniyang mga laman at siya ay kanilang tutupukin ng apoy,17 sapagkat ilalagay ng Diyos sa kanilang mga puso upang gawin ang kaniyang kalooban at upang sila ay gumawa ng isang layunin at ibigay ang kanilang kaharian sa mabangis na hayop hanggang sa maganap ang mga sinabi ng Diyos.18 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lungsod na siyang mayroong paghahari sa mga hari ng daigdig.” | |








