Ylösnousemus
| Avainsanat | anghel lulon |
|---|---|
| Secondary Keywords | armas bawat bukas Corbert Gauthier dalawa Elämää gumuho iba pang Kiven kivi koleksyon Maria Mary Magdalene muling pagkabuhay Naiset naiset pampalasa takip |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 24:1-12 |
Luke 241 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid.2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan.3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus.4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning.5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay?6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa,7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ”8 At naalala nila ang kaniyang mga salita.9 Nang sila ay nakauwi mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa.10 Si Maria na taga-Magdala, si Joana, si Maria na ina ni Santiago at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol.11 At ang kanilang mga salita ay naging parang walang kabuluhan sa kanila at sila ay hindi naniwala sa kanila.12 Ngunit si Pedro ay tumayo at tumakbo patungo sa libingan at pagkayukod niya ay nakita niya ang mga telang lino na lamang ang nakalatag. At siya ay umuwi na namamangha sa kaniyang sarili sa nangyari. | |








