Paluu Egyptistä
| Secondary Keywords | buhay bumalik Ehipto Jeesus Jeesus maaga Ministeriö pagkabata pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 2:39-40 Matthew 2:19-23 |
Luke 239 Nang natapos nila ang lahat ng mga bagay ayon sa Kautusan ng Panginoon, sila ay bumalik sa Galilea, sa Nazaret na kanilang lungsod.40 Ang bata ay lumaki at lumakas sa espiritu na napuspos ng karunungan at ang biyaya ng Diyos ay sumakaniya. Matthew 219 Ngunit nang namatay na si Herodes, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa Egipto sa pamamagitan ng panaginip,20 na nagsasabi, “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumaroon ka sa lupain ng Israel sapagkat sila na naghahangad sa buhay ng bata ay namatay na.”21 Bumangon nga siya at dinala niya ang bata at ang ina ng bata at pumaroon sa lupain ng Israel.22 Ngunit nang narinig ni Jose na si Archelao ay naghahari sa Judea bilang kapalit ng kaniyang amang si Herodes, siya ay natakot na pumunta roon, subalit dahil nagbabala ang Diyos sa kaniya sa pamamagitan ng panaginip, siya ay umalis patungo sa mga dako ng Galilea.23 At nang siya ay dumating, siya ay tumira sa isang lungsod na tinatawag na Nazaret upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta, “Siya ay tatawaging taga-Nazaret.” | |








