24 Kung kaya ang kautusan ang naging tagapagturo natin patungo kay Cristo upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.
Matthew 22
11 “Ngunit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, siya ay nakakita ng isang lalaki roon na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan.12 At sinabi niya sa kaniya, ‘Kaibigan, papaano ka nakapasok dito na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan?’ Ngunit siya ay nanahimik.
Revelation 19
8 At ipinagkaloob sa kaniya na siya ay mabihisan ng dalisay at maningning na pinong lino sapagkat ang pinong lino ay ang mga gawang matuwid ng mga banal.
Romans 6
23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
Zechariah 3
3 Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel.4 At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.5 At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.