Kattopuun paraneminen
| Secondary Keywords | baldado bubong Jeesus Jeesus Katto paglunas pahimakas paralisado Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 5:17-26 Marcos 2:1-12 Matthew 9:1-8 |
Luke 517 At nangyari, isa sa mga araw habang siya ay nagtuturo, may nakaupong mga Fariseo at mga dalubhasa sa kautusan na dumating mula sa bawat nayon ng Galilea, ng Judea at Jerusalem. At ang kapangyarihan ng Panginoon ay naroroon upang sila ay pagalingin.18 Narito, may mga lalaking nagdadala ng isang taong naparalisa na nasa isang higaan at sila ay naghahanap ng paraan kung paano siya maipasok at mailagay sa harapan ni Jesus.19 At nang sila ay hindi makahanap ng paraan kung paano siya maipasok dahil sa napakaraming tao, sila ay umakyat sa bubungan at sa lagusan sa bubong ay ihinugos siya kasama ang kaniyang higaan sa kalagitnaan, sa harapan ni Jesus.20 Nang nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa kaniya, “Lalaki, napatawad na ang iyong mga kasalanan.”21 Nagsimulang magbigay-katuwiran ang mga eskriba at mga Fariseo na sinasabi, “Sino itong nagsasalita ng mga paglapastangan? Sino ang makakapagpatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos lamang?”22 Ngunit dahil batid ni Jesus ang kanilang pagtatalu-talo, siya ay sumagot na sinabi sa kanila, “Bakit kayo nagtatalu-talo sa inyong mga puso?23 Ano ang higit na madaling sabihin, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihin, ‘Bumangon ka at lumakad ka’?24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan” (sinabi niya sa paralitiko), “Sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka at buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.”25 At kaagad siyang tumayo sa harapan nila at binuhat niya ang kaniyang hinihigaan at siya ay umuwi sa kaniyang bahay na niluluwalhati ang Diyos.26 At ang lahat ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos at sila ay napuspos ng takot na sinasabi, “Kami ay nakakita ng hindi kapani-paniwalang mga bagay sa araw na ito.” Mark 21 Pagkalipas ng ilang araw, muling pumasok si Jesus sa Capernaum at kumalat ang balita na siya ay nasa isang bahay.2 Kaagad na nagkatipon ang maraming tao, kung kaya wala nang matayuan kahit na sa may pintuan. Kaya ipinangaral niya ang salita sa kanila.3 At pumunta sa kaniya ang apat na lalaki na dala-dala ang paralitiko.4 At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya nga binakbak nila at binutasan ang bubong sa tapat niya at inihugos ang higaan kung saan nakaratay ang paralitiko.5 Nang nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo.”6 Ngunit ang ilan sa mga eskriba na nakaupo roon ay nagbigay-katuwiran sa kani-kanilang mga puso,7 “Bakit naglalapastangan ng ganito ang taong ito? Sino ba ang makakapagpatawad ng mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?”8 Alam kaagad ni Jesus sa kaniyang espiritu ang pagtalo-talo nila sa kanilang mga sarili. Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinagtatalunan ang mga bagay na ito sa inyong mga puso?9 Alin ba ang higit na madaling sabihin sa paralitiko, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?’10 Upang inyong malaman na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan” (sinasabi niya sa paralitiko),11 “sinasabi ko sa iyo, tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.”12 Kaya tumindig kaagad ang paralitiko at siya ay umalis sa harapan ng lahat na buhat-buhat ang kaniyang higaan. Kaya ang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos na sinasabi, “Kailanman ay hindi tayo nakakita nang ganito!” Matthew 91 Sumakay si Jesus sa bangka, naglayag at dumating sa kaniyang sariling lungsod.2 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralitiko na nakahiga sa higaan. At nang nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob, pinatawad na sa iyo ang iyong mga kasalanan.”3 Narito, ang ilan sa mga eskriba ay nagsabi sa kanilang mga sarili, “Ang taong ito ay naglalapastangan.”4 Si Jesus na nakakaalam ng kanilang mga kaisipan ay nagsabi, “Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso?5 Alin ba ang higit na madaling sabihin, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihin, ‘Bumangon ka at lumakad ka’?6 Ngunit upang inyong malaman na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaang magpatawad ng mga kasalanan sa lupa” (pagkatapos ay sinabi niya sa paralitiko), “Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.”7 Kaya siya ay tumindig at umalis patungo sa kaniyang bahay.8 Ngunit nang ito ay nakita ng napakaraming tao, sila ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos na siyang nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao. | |








