Kattopuun paraneminen
| Secondary Keywords | baldado bubong Jeesus Jeesus Katto paglunas pahimakas paralisado Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 21 Pagkalipas ng ilang araw, muling pumasok si Jesus sa Capernaum at kumalat ang balita na siya ay nasa isang bahay. 2 Kaagad na nagkatipon ang maraming tao, kung kaya wala nang matayuan kahit na sa may pintuan. Kaya ipinangaral niya ang salita sa kanila. 3 At pumunta sa kaniya ang apat na lalaki na dala-dala ang paralitiko. 4 At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya nga binakbak nila at binutasan ang bubong sa tapat niya at inihugos ang higaan kung saan nakaratay ang paralitiko. 5 Nang nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo.” 6 Ngunit ang ilan sa mga eskriba na nakaupo roon ay nagbigay-katuwiran sa kani-kanilang mga puso, 7 “Bakit naglalapastangan ng ganito ang taong ito? Sino ba ang makakapagpatawad ng mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?” 8 Alam kaagad ni Jesus sa kaniyang espiritu ang pagtalo-talo nila sa kanilang mga sarili. Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinagtatalunan ang mga bagay na ito sa inyong mga puso? 9 Alin ba ang higit na madaling sabihin sa paralitiko, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?’ 10 Upang inyong malaman na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan” (sinasabi niya sa paralitiko), 11 “sinasabi ko sa iyo, tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.” 12 Kaya tumindig kaagad ang paralitiko at siya ay umalis sa harapan ng lahat na buhat-buhat ang kaniyang higaan. Kaya ang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos na sinasabi, “Kailanman ay hindi tayo nakakita nang ganito!” Matthew 91 Sumakay si Jesus sa bangka, naglayag at dumating sa kaniyang sariling lungsod. 2 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralitiko na nakahiga sa higaan. At nang nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob, pinatawad na sa iyo ang iyong mga kasalanan.” 3 Narito, ang ilan sa mga eskriba ay nagsabi sa kanilang mga sarili, “Ang taong ito ay naglalapastangan.” 4 Si Jesus na nakakaalam ng kanilang mga kaisipan ay nagsabi, “Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso? 5 Alin ba ang higit na madaling sabihin, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihin, ‘Bumangon ka at lumakad ka’? 6 Ngunit upang inyong malaman na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaang magpatawad ng mga kasalanan sa lupa” (pagkatapos ay sinabi niya sa paralitiko), “Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.” 7 Kaya siya ay tumindig at umalis patungo sa kaniyang bahay. 8 Ngunit nang ito ay nakita ng napakaraming tao, sila ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos na siyang nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao. |








