24 Hindi ba ninyo alam na ang mga tumatakbo sa paligsahan ay tumatakbo ngang lahat, ngunit isa ang nagkakamit ng gantimpala? Sa gayong paraan, tumakbo kayo nang kayo ay magkamit.
2 Timothy 4
7 Ako ay nakipagbaka ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang takbuhin, iningatan kong lubos ang pananampalataya.
Acts 20
24 Subalit wala akong ipinag-aalala sa salitang ito, ni itinuturing ko ang aking buhay na mahalaga sa aking sarili, upang maganap kong may kagalakan ang aking takbuhin at ang paglilingkod na tinanggap ko sa Panginoong Jesus, ang patotohanan ang ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
Philippians 3
14 Pinagsisikapan kong abutin ang hangganan ng takbuhin para sa gantimpala ng mataas na pagkatawag ng Diyos sa akin kay Cristo Jesus.