4 Siya ay tumindig mula sa hapunan at itinabi ang kaniyang mga kasuotan at kumuha siya ng tuwalya at binigkisan ang kaniyang sarili.5 Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at nagsimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kaniya.6 Nang lumapit siya kay Simon Pedro at sinabi ni Pedro, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?”