Sabbath sa Capernaum
| Secondary Keywords | Äiti äiti araw ng pangilin batas Capernaum Jeesus Jeesus may sakit pahimakas Peter Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 438 Ngunit nang siya ay tumindig at lumabas sa sinagoga, siya ay pumasok sa bahay ni Simon. At ang biyenang babae ni Simon ay pinahihirapan ng mataas na lagnat kaya sila ay humiling para sa kaniya. 39 Nang si Jesus ay tumayo sa tabi niya, sinaway niya ang lagnat at ito ay nawala. Kaagad siyang bumangon at naglingkod sa kanila. 40 At nang papalubog na ang araw, ang lahat ng mga maysakit ng iba't ibang karamdaman ay dinala nila kay Jesus, at sa pamamagitan ng pagpatong niya ng kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila, sila ay pinagaling niya. 41 At lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila, na sumisigaw at nagsasabi, “Ikaw ang Cristo, ang anak ng Diyos!” At sila ay sinaway niya at hindi niya pinayagan na makapagsalita sila dahil alam nila na siya ang Cristo. Mark 129 At pagkaalis nila sa sinagoga, sila ay pumunta kaagad sa bahay nina Simon at Andres kasama sina Santiago at Juan. 30 Ang babaing biyenan ni Simon ay nakaratay dahil siya ay nilalagnat kaya kaagad nilang sinabi kay Jesus ang patungkol sa kaniya. 31 Nilapitan siya ni Jesus at hinawakan ang kaniyang kamay at ibinangon, at nawala kaagad ang kaniyang lagnat at naglingkod siya sa kanila. 32 At sa pagsapit ng takipsilim, nang lumubog ang araw, dinala nila kay Jesus ang lahat ng mga maysakit at ang mga inaalihan ng mga demonyo, 33 at ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pintuan. 34 Marami siyang pinagaling na may iba't ibang sakit at nagpalayas siya ng maraming demonyo at hindi niya pinayagang magsalita ang mga demonyo sapagkat kilala nila kung sino siya. Matthew 814 At nang dumating si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae nito na nakaratay at nilalagnat. 15 At hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang kaniyang lagnat. At siya ay bumangon at naglingkod sa kanila. 16 Kinagabihan, dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat na mga maysakit 17 upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias na nagsasabi, “Kinuha niya ang ating mga karamdaman at dinala niya ang ating mga sakit.” Isa 53:4 |








